Fact Checks about media

FACT CHECK: Ibinalita ang plano ng gobyernong magtayo ng high-rise na pabahay

Rappler.com
FACT CHECK: Ibinalita ang plano ng gobyernong magtayo ng high-rise na pabahay
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng gobyerno ang pagtatayo ng mga mid-rise at high-rise na pabahay upang tugunan ang kakulangan sa pabahay ng mga Pilipino

Sabi-sabi: Hindi raw ibinalita ng media ang pagpapatayo ng high-rise na pabahay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Sinabi sa video: “Nagpapatayo na ngayon ang gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos ng mga high-rise building. High-rise building para ipamigay sa mga kababayan natin na walang bahay, para may matirahan ang ating mga kababayan. Para hindi na sila pagala-gala sa kalsada. Nakakadismaya talaga iyang ginawa na iyan ni Pangulong Bongbong kasi napakaganda po ng balita po na iyan pero hindi ibinabalita nino man.”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang vlogger sa likod nito ay pang-ilang ulit nang naglabas ng video na nagsasabing hindi ibinabalita ng media ang ilang proyekto ng gobyerno kahit na wala itong katotohanan.  

Ang katotohanan: Sinabi ni Pangulong Marcos sa turnover ng mga pabahay sa Naic, Cavite noong ika-5 ng Disyembre na ipinaplano at pinag-aaralan pa ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga mid-rise at high-rise na mga pabahay upang matugunan ang 6.5 milyong kakulangan sa tirahan ng mga Pilipino sa kabila ng limitadong espasyo. 

“Kung maaalala ninyo ‘yung project na BLISS, diyan nag-umpisa ang mid-rise na ilang five story, six story na building…. Ngunit ngayon dahil mahirap na, baka siguro pataasin natin. Baka puwede na natin hanggang high-rise na. Ngunit pinag-aaralan natin ‘to. Siguro case to case ito,” sinabi ng Pangulo.

Taliwas sa sinasabi sa sinungaling na video na hindi ito ibinalita, ipinakita at walang pakundangan pa nga nitong ipinakita ang screenshot ng mismong ulat ng 24 Oras ng GMA hinggil sa anunsiyo ng Pangulo hinggil sa high-rise na mga pabahay. Kumuha pa ng screenshot.

Ibinalita rin ng TV Patrol ng ABS-CBN ang nasabing anunsiyo. At di lamang sila. Naglabas din ng kanilang mga ulat ang iba’t ibang online na pahayagan kagaya ng Philstar, Inquirer.net, at Manila Bulletin. Di kaya nagbasa? – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.