Filipino celebrities

HINDI TOTOO: Pumanaw na si Nora Aunor ngayong Hunyo 2022

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Pumanaw na si Nora Aunor ngayong Hunyo 2022
Walang ulat o pahayag na yumao na si Aunor. Nitong Hunyo 29 lamang, dumalo siya sa Parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Cultural Center of the Philippines para tanggapin ang kanyang parangal.
Buod
  • Ang sabi-sabi: Pumanaw na ang beteranong artista at National Artist na si Nora Aunor ngayong Hunyo 2022.  
  • Marka: HINDI TOTOO. 
  • Ang katotohanan: Walang ulat o pahayag na yumao na si Aunor. Nitong Hunyo 29 lamang, dumalo siya sa Parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Cultural Center of the Philippines para tanggapin ang kanyang parangal. 
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa mahigit 1,700 na views ang video na naglalaman ng sabi-sabing ito sa YouTube at makikita sa mga komento na maraming naniniwala rito. 
Mga detalye 

Mula Hunyo 25, kumakalat sa YouTube ang isang video na pinamagatang “Hala! Super Star Nora Aunor Agaw-Buhay Sa Hospital | Nora Aunor Latest Update!” 

Pinagtagpi-tagpi ang mga video at retrato ni Aunor mula sa mga dati niyang panahon sa ospital upang palabasin na nag-agaw-buhay siya at namatay na. 

Hindi totoo ang sabi-sabing ito.

Walang ulat o pahayag na nagpapatunay sa yumao na ang aktres.

Noong Hunyo 29, dumalo pa si Aunor sa Parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Cultural Center of the Philippines para tanggapin ang kanyang parangal bilang National Artist

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat siya sa karangalan at sa kanyang mga tagasuporta. – Sofia Guanzon/Rappler.com 

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!