Fact checks on public officials

HINDI TOTOO: Pinaringgan ng isang pari si Robredo sa kanyang sermon

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Pinaringgan ng isang pari si Robredo sa kanyang sermon
Hindi binanggit ni Dizon ang pangalan ni Vice President Leni Robredo o ng sinumang kandidato sa kanyang homiliya. Sa isang Facebook post, kinondena ni Dizon ang paggamit ng kanyang homiliya sa pamumulitika.
Buod
  • Ang sabi-sabi: Ayon sa isang YouTube video na ini-upload noong Nobyembre 1, pinatamaan daw ni Father Joseph Franz Dizon si Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang homiliya tungkol sa vote buying.
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Hindi binanggit si Robredo at Villegas sa orihinal na bidyo. Sa isang Facebook post, kinondena ni Dizon ang maling paggamit ng kanyang bidyo.
  • Bakit kailangan i-fact-check: Nang i-fact-check ang bidyo, nakakalap na ito ng humigit-kumulang sa 190,000 views at 1,800 komento sa YouTube.
Mga detalye

Naglabas ng bidyo ang Youtube channel na “Robin Sweet Showbiz” noong Nobyembre 1, na nagsasabing nagparinig daw si Father Joseph Franz Dizon sa kanyang homiliya kay Bise Presidente Leni Robredo tungkol sa “vote buying.” Kinunsinti naman daw ni Archbishop Socrates Villegas si Robredo.

Si Dizon ay parochial vicar ng Our Lady of the Holy Rosary Parish sa Maysan, Valenzuela City. Nagbabahagi siya ng kanyang mga homiliya at repleksiyon sa Facebook page na “Sa Madaling Sabi – ni Fr. Franz Dizon.”

Pinamagatan ang bidyo ni “Robin Sweet Showbiz” na, LENI KINASTIGO NG PARI SA VOTE BUYING! BISHOP VILLEGAS SINUPALPAL DIN! NAKAKAGULAT!

Ayon sa bidyo, Matapos sabihin ni Archbishop Villegas na ang vote buying ay hindi kasalanan na tila nga dinepensahan si Leni Robredo sa naging statement nito, ngayon naman ay isang pari ang naglakas loob supalpalin itong si Leni Robredo at maging si Archbishop Villegas sa tila nga pagkukunsinti sa ginawa ni Leni Robredo.”

Nang i-fact-check ang bidyo, nakakalap na ito ng humigit-kumulang sa 190,000 views at 1,800 komento sa YouTube.

Hindi totoo ang sabi-sabing ito.

Sa orihinal na bidyo ng homiliya ni Dizon na ini-upload noong Oktubre 17, hindi niya binaggit ang mga pangalan ni Robredo at Villegas o ng sinumang kandidato.

Sa opisyal na pahayag ni Dizon sa page na “Sa Madaling Sabi – ni Fr. Franz Dizon” noong Nobyembre 1, binansagan nito ang sabi-sabi na “mali at hindi makatarungang paggamit ng pangalan at mga contents ni Fr. Franz Dizon para sa propagandang pampulitika.”

“Kung papanuorin ang buong pagninilay, hindi ito patungkol kay VP Leni Robredo o sinumang kandidato kagaya ng sinasabi ng iba. Ito ay mga tagubilin para sa mga botante na maging mapanuri ayon sa mga katangian na panukala ng Salita ng Diyos,” sabi ni Dizon.

Sinabi rin ni Dizon na nadismaya siya sa mga “pagtatangkang ‘nakawin’ at putulin’” ang kanyang mga bidyo.

“Bagaman ibinabangga ng ilan ang aking mensahe sa pahayag ni Bishop Soc Villegas, hindi magkasalungat ang aming pahayag sapagkat magkaibang paksa ang aming tinatalakay. Gayundin naman, wala kaming pagtutol sa kanyang mga itinuro sapagkat hindi ito taliwas sa Salita ng Diyos at doktrina ng Simbahang Katolika,” dagdag pa ni Dizon. – Owenh Toledo/Rappler.com

Si Owenh Toledo ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!