Fact checks on public officials

HINDI TOTOO: Hindi pumunta si Robredo sa Bicol habang siya ay bise presidente

Rappler
HINDI TOTOO: Hindi pumunta si Robredo sa Bicol habang siya ay bise presidente
Naibalita ang ilang pagdalaw ni Robredo sa Bicol habang siya ay bise presidente, kagaya ng pagpunta niya sa Bicol noong Nobyembre 2020 para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly
Buod
  • Ang sabi-sabi: Hindi pumunta si Leni Robredo sa Bicol habang siya ay bise presidente, o simula noong Hunyo 30, 2016, hanggang ngayon. 
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Naibalita ang ilang pagdalaw ni Robredo sa Bicol habang siya ay bise presidente, kagaya ng pagpunta niya sa Bicol noong Nobyembre 2020 para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nakita ang sabi-sabi sa isang post na ginawa noong Oktubre 15 sa Facebook page na “Blessed Be Philippines.” Ang post ay mayroon nang humigit-kumulang sa 1,100 na reaksiyon, 238 na komento, at 196 shares nang isinulat ang fact-check. 
Mga detalye

May isang post na ginawa noong Oktubre 15 ang Facebook page na “Blessed Be Philippines” na nagsasabing hindi nagpunta sa Bicol si Leni Robredo sa panahon ng termino niya bilang bise presidente, o simula noong Hunyo 30, 2016, hanggang ngayon.

Ito ang sabi sa post: “Si Leni po kasi, mula nang naupo as VP, dina nakita pa sa bicol.” Kasama sa post ang isang larawan na may tanong na “Mga taga Bicol bakit sila galit kay Leni?”

Nang isinulat ang fact-check, ang post ay nakapagtala na ng humigit-kumulang sa 1,100 na reaksiyon, 238 na komento, at 196 shares.

Hindi totoo ang pahayag.

Naibalita ang ilang pagdalaw ni Robredo sa Bicol habang siya ay bise presidente. Kabilang dito ay ang pagpunta ni Robredo sa Camarines Sur noong Nobyembre 2020 upang magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly. (BASAHIN: Robredo visits Rolly-hit Bicol, gives aid to affected residents)

Narito ang ilan pang naibalitang pagpunta ni Robredo si Bicol habang siya ay bise presidente:

  • Enero 2017, para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Nina sa Camarines Sur pagkatapos manggaling mula sa bakasyon sa Estados Unidos.
  • Abril 2017, para tanggapin ang isang honorary doctorate degree sa Humanities mula sa University of Saint Anthony (USANT) sa Iriga City, Camarines Sur. 
  • Enero 2021, para tingnan ang livelihood projects at learning hubs na pinamumunuan ng Office of the Vice President (OVP) sa Camarines Sur.
  • Agosto 2021, para sa IrigaVax Express na nagbakuna ng 6,102 na katao sa Iriga City sa loob ng dalawang araw.

Marami nang na-fact-check ang Rappler na mga pahayag na tungkol kay Robredo o binabanggit siya, kagaya ng mga sumusunod:

– Percival Bueser/Rappler.com

Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.