Duterte Fact Checks

HINDI TOTOO: Hinangaan ni Vladimir Putin si Duterte

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Hinangaan ni Vladimir Putin si Duterte
Sa mas mahabang bersyon ng bidyo mula sa opisyal na YouTube channel ng RTVM, walang kahit anong indikasyon o sinabi sa nasabing pagpupulong na ‘humanga’ si Putin sa Pangulo ng Pilipinas
Buod
  • Ang sabi-sabi: Humanga umano si Vladimir Putin, presidente ng Russia, sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte.
  • Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon kami sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng AlterMidya sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito.
  • Ang katotohanan: Walang kahit anong sinabi o indikasyon na “humanga” si Putin kay Duterte kung susuriin ang mas mahabang bersyon ng bidyo mula sa opisyal na YouTube channel ng Radio Television Malacañang (RTVM).
  • Bakit kailangang i-fact-check: Sa kasalukuyan, mayroon nang 1,275,947 na nanood, 34,000 na nag-like, at 3,045 na nagkomento sa ipinapakalat na kasinungalingan sa YouTube.
Mga detalye 

Sa isang nag-viral na bidyo sa YouTube, makikita ang hiniram na kuha mula sa 16th Annual Meeting ng Valdai Discussion Club sa Sochi City, Russia noong 2019. Ayon sa bidyong ipinaskil ng Jevara PH, “pinahanga” raw ni Pangulong Duterte ang presidente ng Russia na si Vladimir Putin. 

Hindi totoo ang sabi-sabing ito.

Kung susuriing maigi ang mas mahabang bersyon ng bidyo mula sa opisyal na YouTube channel ng Radio Television Malacañang (RTVM), walang kahit anong indikasyon at/o sinabi sa nasabing pagpupulong na “humanga” si Putin sa Pangulo ng Pilipinas.(BASAHIN: ‘Putin kills civilians, I kill criminals’ – Duterte)

Ginamit lamang ang piling mga kuha ng mga tagapanood, maging ang bahagi kung saan makikitang tumatawa ang mga namumuno ng bansa, upang lumikha ng mapanlinlang na naratibo na positibo ang reaksyon ni Putin sa sinasabi ng Pangulo. 

Sa katunayan, ang kuha sa nasabing reaksyon ng mga tagapanood ay dulot lamang ng naging tugon ni Duterte na “may isang minuto pa,” matapos siyang paalalahanan ng tagapamagitan na lumampas na ang oras na inilaan sa kanya upang magsalita.

Sa parehong pulong, matatandaang humiling si Putin sa tagapamagitan na tanungin ulit si Duterte matapos lumihis ang huli sa punto ng kanilang talakayan.

Pakiusap niya, tanungin ulit ang presidente ng Pilipinas ukol sa pagtingin nito sa lumalawak na impluwensiya ng Silangan sa pandaigdigang relasyon. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama sina Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano/AlterMidya

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!