MANILA, Philippines – Paano nabubuhay at nagtatrabaho ang mga vlogger na sumusunod kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.?
Sa dokumentaryong ito, sinundan ng Rappler reporter na si Rambo Talabong ang mga vlogger pagkatapos na manalo ni Marcos sa halalan.
Pinagkakakitaan ng mga vlogger ang pagpapalaganap ng mga maling impormasyon tungkol sa mga Marcos sa YouTube. Karamihan sa kanila, mga taong mula sa hirap na nais lamang maghanapbuhay pagkatapos na mawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.
Marami sa kanila ang nagpapakalat ng maling impormasyon base lamang sa sabi-sabi ng matatanda at kanilang iniidolong diktador na si Ferdinand Marcos.
Hindi sapat ang ginagawa ng YouTube para mapigilan sila sa pagpapakalat ng maling impormasyon, ayon sa mga eksperto.
Ang papasok na administrasyong Marcos naman, nag-iisip na ng paraan kung paano sila mapapayagang masundan ang kasunod na pangulo.
Sila ang bagong media ng bagong lipunan sa ilalim ni Marcos Jr. Sila ang mga vloggers.
Panoorin ang kanilang kuwento sa Rappler. – Rappler.com
Reporter: Rambo Talabong
Production Specialists: Errol Almario, Exxon Ruebe, and Jeff Digma
Video Editor: Jaene Zaplan
Supervising Producer: Beth Frondoso
Producer: Nick Villavecer
Graphics Artists: Janina Malinis, David Castuciano, Raffy de Guzman, Alyssa Arizabal, Nico Villarete
Interns: Jenica Selga and Rac Jecho Santiago