Oriental Mindoro oil spill

[VIDEO EDITORIAL] Mindoro oil spill: Black oil, black ocean, black conscience?

Rappler.com
[VIDEO EDITORIAL] Mindoro oil spill: Black oil, black ocean, black conscience?
Hitik sa salitang itim ang malungkot na yugto na ito sa kasaysayan

Nitong March 13, ibinalita ng Rappler na isang subsidiary ng San Miguel Shipping and Lighterage Corporation ang nag-charter ng MT Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro at lumikha ng oil spill doon na ngayo’y banta sa apat na probinsiya.

Nag-deny na nga ang sister company ng San Miguel Shipping na Petron na cargo nito ang “black oil” – pero hindi pa rin sinasagot ng charterer na SL Harbor na pag-aari rin ni Ramon S. Ang kung ito nga ang nag-charter ng tanker.

Bakit mahalagang maging accountable ang nag-charter?

Ito’y dahil ang tanker, na diumano ni-refit nang dalawang beses at hindi talaga ginawa para maging tanker, ay banta sa karagatan sa isa sa pinaka-biodiverse na lugar hindi lang sa Pilipinas, kundi pati sa buong mundo.

Sana’y ipakita ng kumpanya ni RSA ang matagal na nitong ipinagmamalaki: ang corporate social responsibility.

Hindi man ito ang may-ari ng kompanya ng tanker, ito naman malamang ang may-ari ng langis na ngayo’y lumalason ng karagatan.

Ang lalong masakit, malaking bahagi ng epekto ay naipapasa sa lokal – lokal na LGU ang magpapasan ng bigat ng social costs, at higit sa lahat, mga komunidad ang magpapasan ng hagupit sa kabuhayan at kalusugan. 

Hitik sa salitang itim ang malungkot na yugto na ito sa kasaysayan: black oil, na nagpaitim ng karagatan, at walang pakialam ang malaking kompanya na sa bandang huli ay mukhang maitim pala ang budhi. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Mindoro oil spill: Black oil, black ocean, black conscience?

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!