2022 PH Elections - Voices

[Just saying] 10 dahilan kung bakit makabubuti kay Duterte ang pagkapangulo ni Leni

Mel Sta Maria
[Just saying] 10 dahilan kung bakit makabubuti kay Duterte ang pagkapangulo ni Leni
Hindi ko sinasabi ito bilang biro o panunuya. Ito ang katotohanan.

Sa mga tagahanga at tagasunod ng Pangulong Duterte, dapat ninyong malaman na higit na makabubuti sa kanya na manalo si Vice President Leni ng pagkapangulo. Hindi ko sinasabi ito bilang biro o panunuya. Ito ang katotohanan.

At napakadaling ipaliwanag nito. Heto ang aking mga dahilan:

UNA. Si VP Robredo ay naniniwala sa Rule of Law. Ibig sabihin, kung may maghahabla kay Pangulong Duterte, sa aking palagay, sisiguraduhin ni VP Leni na mabigyan siya ng kaukulang due process. Lahat ng pagkakataong maipagtanggol niya ang kanyang sarili ay hindi puputulin o ipagkakait sa kanya. Hindi pahihintulutan ni VP Leni na gawin kay Presidente Duterte ang nangyari kay Senator Leila de Lima, kung saan hindi lang ito inakusahan, binastos pa bagama’t walang sapat na ebidensya ang mga paratang sa kanya.

PANGALAWA. Sa tingin ko, hindi pahihintulutan ni VP Leni na mahabla si Presidente Duterte kung wala namang malakas na katibayan laban sa kanya.  Naranasan na ni VP Leni sa administrasyong ito ang di-makatarungang pagsampa ng mga kasong kriminal laban sa kanya. Hindi lang isa o dalawa, kundi pitong sabay-sabay na mga paratang: sedisyon, pagbubuyo upang isagawa ang sedisyon, libelo, cyber libel, pagkupkop ng kriminal, paghadlang sa hustisya. Heto pa – at ang di-kapanipaniwalang – estafa.  Pinawalang saysay ang demanda kay VP Leni kasi sukdulang walang katibayan.  Ang ganitong uri ng pag-uusig ay tiyak na wala sa programa, ugali, o kaispan ni VP Leni.

PANGATLO. Hindi mapaghiganti si VP Leni. Hindi niya babaluktutin ang batas para lamang  mang-harrass kay Presidente Duterte o sa sinumang sumasalungat sa kanya.  She will not weaponize the law.  Bilang isang  abogado, alam ni VP Leni  na  injustice ang pagkakaso sa kaninuman batay lamang sa galit, kapritso, o sama ng loob. Dapat may katibayan ng kasalanang nagawa bago usigin ang sinuman.

PANG-APAT. Bilang dating presidente, si Duterte ay gagalangin pa rin ni VP Leni. Hindi niya ito mumurahin, lalaitin, tatakutin, babastusin, at iintrigahin. Hindi ugali ni VP Leni ang manghamak. Sa madaling salita, walang kabalbalang pag-uugali si VP Leni.

PANLIMA. Kahit na batikusin ni President Duterte ang mga polisiya ni  VP Leni,  alam ni VP Leni na ito ay bahagi lang ng isang masiglang demokrasya. Hindi dapat ikatakot ng mga kritiko ni VP Leni  na ipapakulong o kakasuhan sila dahil lamang sa pagpuna sa mga polisiya niya. Walang magaganap na pang-aapi katulad ng nangyari kay Maria Ressa.

PANG-ANIM. Hindi dapat mangamba ang mga tagasunod ni Duterte na sila rin ay hahabulin kahit wala naman silang ginawang masama. Ang lumabag sa batas ay dapat parusahan, pero ang inosente, kahit na kritiko ni VP Leni o tumutuligsa sa kanyang polisiya, ay makakasiguro na mananatili ang malayang panunuligsa sa mga gawain ng gobyerno at pagpapayahag ng salungat na opinyon. Hindi tinuturing ni VP Leni na ang Konstitusyon ay isang “toilet paper” lamang. Ito ay isang dokumento na inihahayag ang pinakamataas na batas at adhikain ng sambayanan.

PAMPITO. Higit sa lahat, labag sa konsyensiya ni VP Leni ang EJK o extrajudicial killing. Hindi siya mag-uutos na pumatay ng sinuman, pari, abogado, human rights advocates, drug addicts, at kahit mga kriminal. Siya ay susunod sa batas na pinagbabawal ang parusang kamatayan.

PANGWALO. Kung mayroon mang ginawang mabuti si Presidente Duterte sa ating bayan, sa tingin ko ito ay pasasalamatan ni VP Leni. At kung may pangako si Presidente Duterte na maganda pero hindi natupad, maaaring  pag-aralan ito ni VP Leni, at kung maayos at walang kalokohan ay maaaring si VP Leni na ang tumupad nito. Para kay VP Leni, ang mga mabuting bagay o proyekto ay hindi  dapat itinatapon.

PANSIYAM. Ang nasabing pakikitungong gagawin niya kay Presidente Duterte ay mararanasan din ng mga anak at pamilya ni Duterte. Sila ay hindi uusigin kung wala naman silang ginawang ikinapahamak at ikinasama ng bayan. Basta ang mga sumusunod sa batas ay walang dapat ipangamba.

PANSAMPU. Sa ilalim ng adminstrasyon ni Leni Robredo, si Pangulong Duterte ay hindi huhusgahan sa  pamamagitan ng tsimis, matrix, o kuwento-kuwento lamang. Lahat nang pakikiharap sa kanya ay magiging fact-based at evidence-based. Hindi troll-false-news ang gagawing batayan, bagkos ay puro katohohanan lamang.

Again, this observation is not to spite the many adorers of President Duterte. If they really care for their President after his term, the best move is to vote for Vice President Leni Robredo as president.

 Most likely, although via a different methodology, she will pursue  President Duterte’s  program to diminish, if not eradicate,  the illegal drug problem  in our country based on the mandate of the Constitution and international law. If they think President Duterte cares for the poor and has made some improvements on this matter, it will be wrong for VP Leni not to identify the good things in his endeavors and not continue them. The good things fostered between the Philippines and China which are not prejudicial to our national security and sovereignty will, I think, be maintained.   Do not underestimate the capacity of Vice President Leni Robredo to be broad-minded, understanding and compassionate within the bounds of justice and our national interest.

The commitment of Vice President Leni Robredo to have an inclusive society where no party, person or association of persons will be unduly favored or prejudiced is a certainty.  I hope that President Duterte’s followers realize that, with VP Leni’s commitment to human rights, she will be President Duterte’s staunch protector in the observance of his fundamental rights under the Constitution. The law will be observed. No one will be above the law. Nothing will be decided on the basis of whims, caprices and knee-jerk reactions.  Justice will prevail in the way it should be properly meted out.  

Ultimately, I think only VP Leni Robredo can effectively implement what President Duterte’s followers have always been harping: “kung walang ginawang masama, walang dapat ikatakot.”  If it is true and proven by evidence that President Duterte has not done anything criminal, I believe President Leni Robredo’s  human rights background will save President Duterte from any form of illegal harassment regardless of what others believe.   

Unbelievable as it may seem, President Duterte’s best bet for the presidency to protect his human and constitutional rights is Vice President Leni Robredo.  – Rappler.com

Mel Sta Maria is dean of the Far Eastern University (FEU) Institute of Law. He teaches law at FEU and the Ateneo School of Law, hosts shows on both radio and Youtube, and has authored several books on law, politics, and current events.