In This Economy with JC Punongbayan

In This Economy: Learning losses sa Pilipinas, maaagapan pa ba?

Rappler.com
In This Economy: Learning losses sa Pilipinas, maaagapan pa ba?
Ipaliliwanag ng ekonomistang si JC Punongbayan kung may pag-asa pa bang mabaligtad ang learning losses sa Pilipinas na dulot ng pandemya

MANILA, Philippines – Sa Pilipinas, ang COVID-19 pandemic ay nagdulot ng malawakang “learning losses,” kung saan maraming estudyante ang nawalan ng pagkakataong matuto nang wasto dahil sa masyadong matagal na pagsasara ng mga eskuwelahan.

Pinalala nito ang mga kakulangan sa sistemang pang-edukasyon ng bansa, na bago pa man ang pandemya ay nakaranas na ng 90% learning poverty. Ang ibig sabihin noon, 9 sa bawat 10 mag-aaral ang `di naiintindihan ang kanilang binasa.

May pag-asa pa bang mabaligtad ang learning losses na dulot ng pandemya? Ayon sa isang bagong pag-aaral, puwede pa. Di pa naman hopeless ang lahat. Alamin ang detalye sa pinakabagong episode ng In This Economy, kasama si JC Punongbayan, resident economist ng Rappler. — Rappler.com

Download the Rappler App!