MANILA, Philippines – Minamadali ngayon ni President Ferdinand Marcos Jr. at mga kaalyado niya sa Kongreso ang paglikha ng Maharlika Investment Fund (MIF), na isa raw uri ng sovereign wealth fund. Pero ano nga ba ang sovereign wealth fund?
Sa unang episode ng In This Economy, ipinapaliwanag ng resident economist ng Rappler na si JC Punongbayan ang konsepto ng sovereign wealth fund – para saan ito, paano ito gumagana, at saan kukunin ang pera para roon. Bagama’t mabuti ang intensiyon ng MIF, hindi ito ganap na sovereign wealth fund. Marami ring red flags hinggil sa layunin, silbi, at timing nito.
Ang In This Economy ay bagong series ng Rappler kung saan tinatalakay ang ilang fast facts hinggil sa ekonomiya ng Pilipinas, pati ang iba’t ibang economic issues sa balita. Mapapanood ang bagong episodes tuwing Lunes, 8 pm. Si Punongbayan ay isang assistant professor sa University of the Philippines School of Economics. – Rappler.com