Philippine languages

Rappler Talk: Usapang wika kasama si Rio Alma

Rappler
Sa Huwebes, Agosto 19, ika-10 ng umaga, makakasama ng Rappler si Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, kilala rin bilang makatang Rio Alma, para pag-usapan ang pagpapaunlad ng pambansang wika

Ngayong Buwan ng Wika, nabuhay na naman ang debate tungkol sa ispeling ng pangalan ng bansa kapag isinusulat sa wikang Filipino: ang nakasanayang Pilipinas o ang orihinal na “Filipinas”?

Pero hindi lang ito ang interesante tungkol sa wika. Dahil ang Filipinas ay nasa proseso pa ng pagpapaunlad ng Filipino bilang pambansang wika at pagpapanatiling buhay sa mga katutubong wika ng mga rehiyon, maganda ring tuklasin paanong ang lengguwahe natin ay kayang makisabay sa anomang larangan sa anomang panahon.

Kaya marami kaming itatanong sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio S. Almario – kilala sa sagisag-panulat na Rio Alma sa kanyang mga tula. Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagsagawa at sumuporta ng maraming saliksik, workshop, at proyekto ang KWF tungo sa pagpapayaman ng Filipino at iba pang wika.

Kasama sa kuwentuhang ito ang ilan sa mga journalist ng Rappler na bumubuo ng mga content gamit ang Filipino: sina Rappler head of investigations Miriam Grace A. Go, news editor Paterno Esmaquel II, desk editor Jee Geronimo, at data curator Michael Bueza. – Rappler.com