House of Representatives

PANOORIN: Kilalanin si Negros Oriental Congressman Arnie Teves

Rappler.com
PANOORIN: Kilalanin si Negros Oriental Congressman Arnie Teves
Higit sa mga kontrobersyiang kinahaharap niya, sino si Congressman Arnolfo Teves Jr.? Paano siya nagsimula sa larangan ng politika?

MANILA, Philippines – Sa mga nagdaang linggo, laman ng balita si Congressman Arnolfo “Arnie” Teves ng ikatlong distrito ng Negros Oriental, sa Central Visayas.

Sinampahan ng Criminal Investigation and Detection Group ng pambansang polisya ng reklamong murder si Teves dahil sa umano’y patayan sa kanyang probinsiya noong 2019. Ni-raid din ng mga pulis ang ilan sa kanyang ari-arian sa Negros Oriental dahil sa umano’y ilegal na mga baril.

Ayon sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, isang “Congressman Teves” ang nag-utos ng asasinasyon.

Pero higit sa mga kontrobersiyang ito, sino nga ba si Teves? Paano siya nagsimula sa larangan ng politika?

I-click ang video sa itaas at panoorin ang ulat ni Rappler reporter Jairo Bolledo. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!