Ferdinand Marcos Jr.

FACT CHECK: ‘Di pinakamalaking huli ng ilegal na droga ang nasabat ng administrasyong Marcos

Rappler.com
FACT CHECK: ‘Di pinakamalaking huli ng ilegal na droga ang nasabat ng administrasyong Marcos
Wala pa sa kalahati ng kabuuang halaga ng nahuling droga ng administrasyong Duterte ang P9 bilyong halaga ng administrasyong Marcos

Ang sabi-sabi: Pinakamalaki raw sa lahat ng mga nagdaang pangulo ang P9 bilyong halaga ng ilegal na droga na nasabat ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Sinabi sa video: “Nine billion na pala ang halaga ng droga na nahuhuli sa kanyang panunungkulan, which is pinakamalaki sa lahat ng naging presidente ng Pilipinas. Siya ang may pinakamalaking huli ng droga sa lahat ng naging presidente ng Pilipinas.

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact check: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 884,000 views, 6,000 shares, at 7,100 na reaksiyon. 

Ang katotohanan: Wala pa sa kalahati ng P76.01 bilyong halaga ng nakumpiskang droga ng administrasyong Duterte mula ika-1 ng Hulyo 2016 hanggang ika-28 ng Pebrero 2022 ang P9.9 bilyong halaga ng nakumpiskang droga ng administrasyong Marcos mula ika-1 ng Hulyo hanggang ika-24 ng Nobyembre ng kasalukuyang taon. 

Mas mataas din ang halaga ng drogang nakumpiska mula Hulyo hanggang Disyembre 2016 na nagkakahalagang P13 bilyon. Ayon sa mga tala, P18.9 bilyon ang halaga ng nakumpiska ng administrasyong Duterte noong Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2017, habang P5.5 bilyon dito ang nakolekta noong Enero hanggang Disyembre ng 2017. Di ba marunong magkuwenta o magbilang? – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.