Marcos Fact Checks

Hindi totoong mayroong 607,000 toneladang ginto ang mga Marcos

Rappler.com
Hindi totoong mayroong 607,000 toneladang ginto ang mga Marcos
Nasa 205,238 pa lamang ang kabuuang bilang ng mga naminang ginto sa buong daigdig. Ang halaga nito ay aabot lamang sa $10.784 trillion.

Ang sabi-sabi: Mayroong ginto ang pamilyang Marcos na umaabot sa mahigit 600,000 na tonelada.

Sa YouTube video sinabing umabot sa mahigit $31 trillion ang yaman ng pamilyang Marcos, kung saan $28.347 trillion dito ay galing sa may kabuuang 607,000 toneladang ginto. Ang mga sabi-sabing ito ay mula kina Imelda Marcos at Karen Hudes, dating abogado ng World Bank. 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-factcheck: Ang YouTube video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 89,090 views sa kasalukuyan. 

Ang katotohanan: Ayon sa datos ng World Gold Council (WGC) noong Enero 2022, nasa 205,238 tons pa lamang ang kabuuang bilang ng mga naminang ginto sa buong mundo sa tanang kasaysayan. 

Ayon sa record ng gold-to-dollar exchange rate ng WGC, ang palitan ng ginto ay aabot sa $52,544,000 kada isang tonelada para sa buwan ng Setyembre 2022, ang buwan kung kailan pinost ang video.

Base sa palitang ito, aabot lamang sa $10.784 trillion ang halaga ng kabuuang pandaigdig na bilang ng mga naminang ginto. 

Nauna nang pinabulaanan ng World Bank noong 2014 ang kredibilidad ng mga pahayag ni Karen Hudes, dating abogado ng nasabing bangko. Ayon sa World Bank, mula pa 2007 ay hindi na nila empleyado si Hudes, at anumang pahayag na manggagaling sa kaniya ay hindi totoo at hindi dapat paniwalaan. 

Bukod rito, ilang fact check at ulat na rin ang nailathala ng Rappler sa mga nagdaang taon laban sa mga sabi-sabi ukol sa yaman at ginto umano ng pamilyang Marcos. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

– Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.