Fact check - gov't services/laws

Walang rehistrasyon online ang DSWD para sa P10,000, P30,000 na ayuda

Rappler.com
Walang rehistrasyon online ang DSWD para sa P10,000, P30,000 na ayuda
Pinabulaaan ng DSWD ang mga post ng umano'y P10,000 at P30,000 na ayuda ng kanilang ahensiya kung magpaparehistro sa isang site

Ang sabi-sabi: Kinakailangang magparehistro sa isang link na dumidirekta sa isang blogging site upang makatanggap ng P10,000 at P30,000 na ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 120 na share, 24 na komento, at 22 na reaksiyon. Laman din ng ilan pang hiwalay na post sa Facebook itong sabi-sabi.

Ang katotohanan: Sa isang email sa Rappler ay pinabulaanan ng DSWD ang post ng umano’y rehistrasyon para sa P10,000 at P30,000 na ayuda ng kanilang kagawaran. Hindi raw kumukuha ng personal na impormasyon online kaugnay ng pamamahagi ng ayuda ang kanilang ahensiya.

Sa mga kasalukuyang serbisyo at programa ng ahensiya, tanging ang mga sumusunod ang maaaring makapagbigay ng nasabing halaga ng ayuda: P10,000 sa bawat pamilyang Badjao na sinimulan noong ika-18 ng Nobyembre at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na aabot sa P15,000 ang benepisyong maaaring makuha kung tatlo ang nag-aaral na anak. 

Parehong hindi sa blogging site ang rehistrasyon ng mga nasabing programa. 

Ang mga Badjao na binigyan ng P10,000 na ayuda ay iniligtas mula sa lansangan at pinuntahan mismo ng ahensiya. Habang ang kagawaran din mismo ang tumutukoy sa mga benepisyaryo ng 4Ps, na hindi nangangailangan ng online registration– Ailla Dela Cruz/ Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.