Election fact checks

MANIPULADONG VIDEO: Ipinangako ni Robredo ang isang pamahalaang korap

Rappler.com
MANIPULADONG VIDEO: Ipinangako ni Robredo ang isang pamahalaang korap
Pinutol ang video upang magmukhang may sinabing kontrobersiyal si Robredo
Buod
  • Ang sabi-sabi: Sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na ipinapangako nila ni Senador Kiko Pangilinan ang isang pamahalaan na korap.
  • Marka: MANIPULADONG VIDEO
  • Ang katotohanan: Pinutol ang video upang magmukhang may sinabing kontrobersiyal si Robredo.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 62,000 na reaksiyon, 12,000 na komento, at 1,600,000 na views ang post sa Facebook.
Mga detalye

Isang post noong Abril 3 ng Facebook page na “Aki on fire” ang nagpapakita ng isang video clip ng presidential candidate na si Bise Presidente Leni Robredo kung saan ipinapangako niya umano ang isang pamahalaang korap kung sila ay manalo sa eleksiyon kaniyang running mate na si Senador Kiko Pangilinan ang .

Sinabi ni Robredo sa clip, “’Pinapangako po namin ni Senator Kiko sa inyo, isang pamahalaan na hindi lang korap.”

Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 62,000 reaksiyon, 12,000 na komento, at 1,600,000 na views ang post sa Facebook.

Manipulado ang video.

Hindi ipinakita ng bidyo ang kabuuan ng sinabi ni Robredo sa kaniyang people’s rally sa Jagna, Bohol, noong Abril 1.

Makikita sa buong recording ng rally ni Robredo sa Jagna na kuha ng YouTube user na si Enzo Recto ang kabuuan ng linya na sinabi ni Robredo. Sinabi ni Robredo sa 32:48 timestamp, “’Pinapangako namin ni Senator Kiko sa inyo, isang pamahalaan na hindi lang korap pero isang pamahalaan na ang mga lingkod-bayan, matitino at mahuhusay.”

Sa clip na ipinakita ng GMA sa kanilang report, lumaktaw ng ilang segundo ang clip at idinugtong itong pahayag ni Robredo, “’Pag ang lingkod-bayan matitino at mahuhusay, kahit kakarampot ’yung pera ng mamamayan maraming natutulungan.”

Makikita ang linya na idinugtong ng GMA sa 33:05 timestamp ng recording ni Recto.

Ang Jagna Mini Rally ay isa sa dalawang mini rally na parte ng campaign activities ni Robredo sa Bohol bago siya nagtungo sa Dilaab: Bohol People’s Grand Rally na ginanap sa Tagbilaran City, Bohol. – Lorenz Pasion/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.