Senate of the Philippines

HINDI TOTOO: Papalitan ni Duterte si Alan Cayetano sa Senado para kay Larry Gadon

Rappler.com
HINDI TOTOO: Papalitan ni Duterte si Alan Cayetano sa Senado para kay Larry Gadon
Batay sa 1987 Konstitusyon, walang kapangyarihan ang presidente na tanggalin ang sinomang miyembro ng Senado
Buod
  • Ang sabi-sabi: Papalitan ni Duterte si Alan Cayetano sa Senado para kay Larry Gadon.  
  • Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng ABS-CBN News sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito.
  • Ang katotohanan: Batay sa 1987 Konstitusyon, walang kapangyarihan ang presidente na tanggalin ang sinomang miyembro ng Senado.  
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa mahigit 106,000 na views, 1,900 na reaksiyon, at 610 na komento sa post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa YouTube. 
Mga detalye 

Mula Hunyo 14, kumakalat ang isang video sa YouTube na naglalaman ng sabi-sabing papapilitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahahalal lang na si Alan Peter Cayetano sa Senado para sa talunang kandidato at suspendidong abogado na si Larry Gadon. 

Hindi totoo ang sabi-sabing ito. 

Walang kapangyarihan ang presidente na tanggalin ang sinomang miyembro ng Senado dahil halal sila ng mamamayan.

Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 16 (3), ng Saligang Batas, ang mga miyembro ng Senado lamang ang may kapangyarihang tanggalin o palitan ang mga kapwa senador. 

Si Cayetano, na dati nang senador, ay naiproklama ng Commission on Elections bilang isa sa 12 na nanalong senador noong 2022 eleksiyon. – Sofia Guanzon/Rappler.com kasama ng ABS-CBN News 

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.