Marcos Fact Checks

FACT CHECK: Imposible ang 950,000 toneladang nakaw na gintong pinagmulan ng ginto ni Marcos

Rappler.com
FACT CHECK: Imposible ang 950,000 toneladang nakaw na gintong pinagmulan ng ginto ni Marcos
Ayon sa tala, nasa 68,412 pa lamang ang namiminang ginto bago ang 1950. Naganap ang World War II noong 1939 hanggang 1945.

Sabi-sabi: Ang mga ginto ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos ay galing sa 950,000 toneladang nakaw na ginto nina Adolf Hitler at Tomoyuki Yamashita na ibinaon sa Pilipinas noong World War II. 

Sinabi sa video: “Maraming bansa ang walang ginto dahil pinagnanakaw ito ni Hitler at Yamashita noong kasagsagan ng World War II. Ito ay mahigit 950,000 metric tons na nagkataong sa Pilipinas pinagbababaon ng mga sundalong Hapones sa ilalim ni General Tomoyuki Yamashita. Ang iba rito ay nai-safety ni Marcos na magagamit para sa pag-unlad ng Pilipinas.”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Walang katapusan ang pagpapakalat ng sabi-sabi hinggil sa nakalululang bilang ng umano’y yaman ng pamilyang Marcos na matagal nang napatunayang imposible.

Ang katotohanan: Imposibleng makapagnakaw sina Hitler at Yamashita ng 950,000 metrikong ginto dahil ayon sa tala, nasa 205,238 toneladang ginto pa lamang ang namimina sa tanang kasaysayan. 

Dalawang katlo sa mga ito ay namina lamang magmula noong 1950. Kung kakalkulahin, nasa 68,412 toneladang ginto pa lamang ang namimina bago ang 1950. Naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1939 hanggang 1945

Nasa ibaba ang mga naunang fact checks ng Rappler hinggil sa nakalululang yaman at mga ginto umano ng pamilyang Marcos:

– Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.