[PODCAST] Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple PodcastsSoundcloud, and Anchor.

Isang taon na ang coronavirus pandemic ngunit tila malayo pa ang tatahakin ng Pilipinas bago nito masabing natalo na nito ang virus.

Imbes na kakitaan ng malaking pagbabago – katulad ng maraming bansa –  lumalala pa lalo ang sitwasyon. Patuloy na dumarami ang bilang ng mga kaso sa Pilipinas, habang mabagal ang pag-rollout ng coronavirus vaccine.

Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler reporters Sofia Tomacruz, Bonz Magsambol, at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit naging ganito ang sitwasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Tomacruz, tila parang hindi pa natuto ang gobyerno sa nangyari nitong nakaraang taon:

What’s striking for me at this point is that it’s looking a lot like we haven’t learned from lessons that we should’ve already learned from last year. We had a whole year of trying to learn how to navigate the pandemic and respond, yet we’re in the same place we were last year. And I don’t even know kung same place siya or in some sense, a worse place, because there are so many things that we should’ve learned by now.... There are so many, so many suggestions and recommendations that health experts have made which we haven’t really tackled or listened to, I would say, because if we did listen to them genuinely, then maybe we would be in a better position than where we are in now.

Bakit biglang tumaas ang bilang ng may COVID-19 sa bansa? Saan nagkukulang ang gobyerno? Ayon kay Magsambol:

Ilang days na ba tayo naka-NCR+ bubble, pero parang wala pa akong naririnig na discussion sa kung paano patataasin ang testing capacity. How do we make sure na enough people ang na-te-test while naka-bubble tayo? Basically iyon ang sinasabi ng experts since then. Kung ilalockdown mo ang mga tao, dapat aggressive ang pag-contact tracing mo and at the same time, testing.

Ano ang posibleng worst case scenario? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: