Leila de Lima

PANOORIN: Ang unang araw ng kalayaan ni Leila de Lima

Rappler.com
PANOORIN: Ang unang araw ng kalayaan ni Leila de Lima
Pinili ni De Lima na gamitin ang unang araw ng kanyang kalayaan upang magdasal at magpasalamat sa birhen ng Manaoag sa Pangasinan

MANILA, Philippines – Anim na taon, walong buwan, at 21 araw ang hinintay ni dating senadora Leila de Lima para matawag siyang isang tao malaya.

Pagkaraang payagan siya ng korte na makapagpiyansa noong Lunes, November 13, kinabukasa’y tumulak si De Lima patungong Pangasinan. Pinili niyang gamitin ang unang araw ng kanyang kalayaan upang magdasal at magpasalamat sa birhen ng Manaoag.

Ani De Lima, siya ay matagal nang deboto ng birhen at ipinangako niya na dadalaw siya sa dambana kung sakali man siya’y makalalaya.

Panoorin ang buong ulat ni Rappler justice reporter Jairo Bolledo na sinaksihan ang paglalakbay ni De Lima mula Kamaynilaan patungong norte. – Rappler.com

Reporter/ writer: Jairo Bolledo
Production specialist: Jeff Digma
Video editor: Emerald Hidalgo
Supervising producer: Beth Frondoso

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!