Palaging nagiging viral ang paghihirap na dinaranas ng mga taong may kapansanan sa pagko-commute gamit ang tren sa Metro Manila. Pero gaano ka-inclusive nga ba ang LRT1, LRT2, at MRT3 para sa mga persons with disabilities (PWDs)?
Sinamahan ng Rappler sina Maureen Mata, Bless Adriano, at Rhay Janssen Ocay sa pagko-commute para mailahad ang karanasan ng isang PWD, person with visual impairment, at person with hearing impairment.
Sa dokumentaryong ito, ipinapakita nila ang mga kakulangan ng train system at ang mga inaasam nilang pagbabago rito para mapaganda ang karanasan sa pagcommute ng mga taong may kapansanan.
May mga pasilidad ang mga train station para sa mga taong may kapansanan, pero kulang-kulang ang mga ito at iba-iba ang implementasyon ng mga polisiya.
Totoo bang inclusive ang train system ng Metro Manila, o pinapasadahan lamang ang mga pangangailangan ng mga persons with disabilities? Panoorin ang dokumentaryo.
– Rappler.com