Martial Law

PANOORIN: Paano magkahawig ang Sri Lanka crisis at Martial Law sa Pilipinas?

PANOORIN: Paano magkahawig ang Sri Lanka crisis at Martial Law sa Pilipinas?
Paano nga ba magkahawig ang krisis sa Sri Lanka ngayon at sa nangyaring krisis sa Pilipinas noong Martial Law? Panoorin sa video na ito.

Nitong July 9, sumugod ang libo-libong galit na mga Sri Lankan sa tirahan ng kanilang pangulo na si Gotabaya Rajapaksa sa Colombo.

Iisa ang kanilang panawagan: Dapat bumaba na sa puwesto si Rajapaksa.

Naging palpak kasi ang pamumuno at mga polisiya ni Rajapaksa. Nararanasan ng Sri Lanka ang pinakamalalang economic crisis mula 1948.

Kalaunan ay bumaba rin si Rajapaksa sa puwesto at umeskapo sa ibang bansa para takasan ang krisis. 

Ang nangyaring economic at political crisis sa Sri Lanka ay kahawig  ng mga nangyari sa Pilipinas noong 1986.

Sumugod din ang mga galit na Pilipino sa Malacañang Palace nang mabalitaang lumayas na si dating pangulong Ferdinand E. Marcos ng bansa.

Napatalsik si Marcos sa pamamagitan ng mapayapang EDSA People Power Revolution.

Sa rebolusyong iyon, nawakasan din ang rehimeng Marcos, na gumamit ng kamay na bakal laban sa maraming aktibista at kritiko ng gobyerno.

Paano nga ba nagkapareho ang krisis sa Sri Lanka at sa nangyari noong Martial Law sa Pilipinas? Sa video na ito, hinimay ng ekonomistang si JC Punongbayan ang mga pagkakatulad ng krisis sa Sri Lanka nitong taon at sa krisis na naranasan ng Pilipinas noong 1986. – Rappler.com

Writer/Producer: Nick Villavecer

Narrator: Ralf Rivas

Editor: Jaene Zaplan

Supervising Producer: Beth Frondoso

Graphics Artists: Guia Abogado, Alyssa Arizabal, Nico Villarete