2022 Philippine Elections

[VIDEO EDITORIAL] ‘Wag magpa-infect sa Zoomicron ni Marcos Jr.

[VIDEO EDITORIAL] ‘Wag magpa-infect sa Zoomicron ni Marcos Jr.
Hindi pa huli ang lahat. Huwag magpa-infect sa Zoomicron ni Marcos Jr. Huwag magpabudol. Huwag humithit ng opium ni Marcos para sa masa.

Hindi gumastos si Ferdinand Marcos Jr sa Facebook ads, ayon sa isang in-depth report ng Philippine Center for Investigative Journalism.

Mas invested daw siya sa “meme wars” at “pangangampanya sa political fan groups, community pages” at “paggamit ng micro-influencers.” 

Matinik ang social media team niya na hindi umasa sa Facebook ads. Bakit pa eh nabutas na nila ang maraming community pages at hawak nila ang maraming micro influencers? 

Magaling na salesman si Marcos Jr. ng nostalgia at ampaw na pangarap. Pero palalakasin ba niya ang demokrasya o lalo pang sisirain ito tulad ni Rodrigo Duterte? 

Kaya ba niyang iahon ang bansa sa COVID-19 at Omicron? O Zoomicron ang kauuwian natin? 

Ngayong Lunes, nagdesisyon ang 2nd Division ng Comelec na ibasura ang petisyong i-cancel ang certificate of candidacy ni Marcos Jr. Maaari pa itong umakyat sa Korte Suprema. Abangan! 

Handa na ba kayo, Pilipinas, sa post-Duterte era? Handa na ba kayo sa panibagong anim na taon ng niyurakang karapatan, institutional gaslighting, manufactured realities, at mas pinatinding atake sa mga kritiko? 

Hindi pa huli ang lahat. Huwag magpa-infect sa Zoomicron ni Marcos Jr. Huwag magpabudol. Huwag humithit ng opium ni Marcos para sa masa.

#WeDecide: Atin ang Pilipinas. Sundan natin ang yapak ng mga mamamayang na-trigger nang mag-walkout ang mga vote tabulators noong 1986 snap presidential election. – Rappler.com