COVID-19

VIDEO EDITORIAL: #DutertePalpak: Palakpakan ang kapalpakan

Rappler
Dapat ka ngang palakpakan, Duterte. Sinamantala mo ang pandemya upang makapaghasik ng kulturang kill, kill, kill, at magsemento ng poder

Magkahalong panic, stress, at galit ang nararamdaman natin ngayon dahil sa kawalan ng katiyakan sa gitna ng pandemya.

Nasaan na ang bakuna? Masuwerte na tayo kung mabakunahan tayo pagsapit ng Agosto. Tantiya ng Economic Intelligence Unit, sa huling tatlong buwan pa ng 2023 tayo makakaasa ng herd immunity.

Ang nananaig na damdamin sa atin ay takot. Tayo na ba ang susunod na mahahawa ng virus? 

Paano tayo makakaiwas, kung mismong mga opisyal at kawani ng gobyerno ang nangunguna sa pagsuway sa mga health protocol?

Sa anibersaryo ng isang taong quarantine, sakit ng ulo, sakit ng tiyan dahil sa gutom, kung hindi man tunay na sakit na COVID-19 ang napala ng mga Pilipino.

Kaya nga nag-trending ang #DutertePalpak. Kumambyo ang mga troll na nagtatanggol kay Duterte, at pina-trending naman nila ang #DutertePalakpak.

Palakpakan si Duterte sa unang birthday ng lockdown sa Pilipinas. Isipin mo, kung walang pandemya, makapaghahasik ka ba ng kulturang kill, kill, kill?

Habang tayo’y alumpihit sa bangungot, siya’y gumigising sa isang napakagandang umaga. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] #DutertePalpak: Palakpakan ang kapalpakan