Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *

Please provide your email address

welcome to Rappler

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Use password?

Login with email

Reset password?

Please use the email you used to register and we will send you a link to reset your password

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue resetting your password. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

Join Move

How often would you like to pay?

Annual Subscription

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

welcome to Rappler+

welcome to Move

welcome to Move & Rappler+

[EDITORIAL] #DutertePalpak: Palakpakan ang kapalpakan

PANIC. STRESS. 'Yan ang nararamdaman natin ngayon dahil sa kawalan ng katiyakan o uncertainty sa gitna ng pandemya. 7,999+ ang nahawa nitong Sabado, March 20, 2021. Ito ang pinakamataas na naitalang bilang ng infection sa isang araw mula nang pumutok ang pandemya. Papasok ba tayo sa trabaho o hindi? Sasakay ba tayo ng pampublikong sasakyan o hindi? Pero gutom ng pamilya naman ang kalaban natin kung hindi tayo lalabas ng bahay!

GALIT. 'Yan naman ang nararamdaman natin kapag iniisip natin: Nasaan na ang vaccine? Siyempre, hindi pa tayo nababakunahan at frontliners pa lang ang kasalukuyang tinuturukan. Sabi ni Health Secretary Francisco Duque, kahit may sapat na supply, kulang sa tao. Masuwerte na tayo kung mabakunahan tayo pagsapit ng Agosto. Tantiya nga ng Economic Intelligence Unit, Q4 pa ng 2023 tayo makakaasa ng herd immunity.

POOT. Ano ba ang inatupag ng pamahalaan ni Rodrigo Duterte ngayong pandemya? Sampulan ang mga lumalabag sa quarantine. Check. Ipasara ang ABS-CBN. Check. Tugisin at patumbahin ang piling mga lider ng Kaliwa. Check. Ipasa ang Anti-Terrorism Law na papatay sa mga ligal na makakaliwa at progresibong mga organisasyon. Check. Mag-ingay na para sa Run Sara Run at Go-Duterte ticket. Check.

TAKOT. 'Yan ang nananaig na damdamin: Tayo na ba o ang kasambahay natin ang susunod na mahahawa ng virus? Paano tayo makakaiwas, kung mismong mga opisyal at kawani ng gobyerno ang nangunguna sa pagsuway sa mga health protocols? (BASAHIN. 'Betrayal': Gov't staff decry COVID-19 violations at work as cases rise)

SUKLAM. 'Yan naman ang susunod na emosyon matapos malaman natin na nagpa-party at convocation sa mismong opisina nila ang mga boss ng Department of Agriculture (DA) at National Tobacco Administration. Kaya’t ang DA ay may 15 active cases, habang 9 naman sa 18 dumalo ng pagtitipon sa NTA ang nagpositibo. 

Ganoon din sa mga boss ng PTV4 na pinagsiksikan sa iisang kwarto ang mga staff nito na naka “sleep-in” arrangement. Oo nga’t tuloy-tuloy ang operasyon ng istasyon ng telebisyon, pero napakataas naman ng tsansang magkahawahan ang mga empleyado. Ayan, 23 ngayon ang active cases ng PTV.

#DutertePalpak

Nakaugat ang lahat ng ito sa incompetence. Bakit inabot ng siyam-siyam ang pagbabakuna sa Pilipinas? Bakit nagtagumpay ang economic managers na pabuksan ang mga malls na delikado dahil indoors? 

Sabi ng dating miyembro ng pandemic task force na si Tony Leachon, “Our economic managers set us up to fail.” Sabi niya, nang niluwagan ang restrictions, nag-relax na rin ang mga tao, sa panahong walang malawakang testing at naantala ang bakuna.

Walang alam sisihin ang gobyerno kundi ang mamamayan. Hindi ba't kabaliktaran dapat? Ang tawag diyan sa Ingles, gaslighting. Dahil tulad ng pinatunayan ng DA, NTA, at PTV, nangunguna ang ilang pinuno ng gobyerno sa paglabag sa health protocols.

Sa anibersaryo ng isang taong pagkukulong sa atin sa ilalim ng lockdowns, ano ba ang napala natin? Sakit ng ulo, sakit ng tiyan dahil sa gutom, kung hindi man tunay na sakit na COVID-19. 

Kaya nga nag-trending ang #DutertePalpak sa mga netizen. Kumambyo naman ang mga troll na nagtatanggol kay Duterte, pinatrending naman nila ang #DutertePalakpak.

Matapos ang isang taong kalbaryo, nag-uumapaw na muli ang mga pasyente ng mga ospital. ibinalik na ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim ng general community quarantine. Bawal ang cross-travel at mass gatherings.

Habang dumarami ang problema ng mga Pilipino, lalong pabor sa iyo, Digong. Walang makaporma laban sa ’yo sa gitna ng pandemya – nagkukumahog ang oposisyon, nangamamatay at nagtatago ang makakaliwa, mahina ang boses ng Simbahan, nangangatog ang businessmen, at nangingimi ang kalakhan ng media. 

Dapat ngang palakpakan ang kapalpakan mo, Duterte. Isipin mo, kung walang pandemya, makapaghahasik ka ba ng kulturang kill, kill, kill?

Higit kailan, napakataas ng approval ratings mo – iba na talaga ang nagagawa ng culture of fear. At wala ka nang kailangang ipangamba sa veerus dahil nauna ka nang nabakunahan ng Sinopharm! Nakaposisyon na rin ang mga heredero ng Palasyo – kung pagbabatayan ang opensiba ng mga kampo ni Sara Duterte at Bong Go. At kung talagang sinusuwerte, baka maging bise presidente ka pa? Ilang beses ka rin bang nag-vice mayor sa iyong anak sa Davao?

Palakpakan si #DutertePalpak sa unang birthday ng lockdown sa Pilipinas dahil sa pinakamataas nating numero simula ng pandemya! Habang tayo'y alumpihit sa bangungot, siya'y gumigising sa isang napakagandang umaga. – Rappler.com