Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *

Please provide your email address

welcome to Rappler

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Use password?

Login with email

Reset password?

Please use the email you used to register and we will send you a link to reset your password

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue resetting your password. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

Join Move

How often would you like to pay?

Annual Subscription

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

welcome to Rappler+

welcome to Move

welcome to Move & Rappler+

[EDITORIAL] Ang kulturang kill, kill, kill

Nangyari na nga. Kung noon, “out of sight, out of mind” ang extrajudicial killings ng administrasyong Duterte at target ang urban poor, ngayon, target na nito ang mga abugado at mga miyembro ng progresibong grupo tulad ng Calabarzon 9 nitong Bloody Sunday.

Naging garapal na rin ang pagpatay sa mga pulitiko. Tingnan niyo na lang ang pagpaslang kay Calbayog Mayor Ronald Aquino na dinamage-control ng pulisya at tinawag na “shootout.” Shootout na pala ang tawag sa pagpapaulan ng bala mula sa iisang direksyon.

Patay, patay, patay. 'Yan ang laman ng mga headlines. Ano'ng ginagawa ng Korte Suprema? Kung pagbabatayan ang mga orals laban sa mapanupil na Anti-Terrorism Law, hindi lang sila nasadlak sa analysis paralysis. Tila mas pundamental ang problema: Kaninong interes ba ang ipagtatanggol ng mga mahistrado na panay Duterte appointees? Kung mismong Kataas-taasang Korte Suprema ay hindi nakikinig sa kapwa nila abugado, saan na tayo pupulutin?

Anong ginagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG)? Pina-profile nito ang mga kasapi ng mga cause-oriented group na animo'y mga serial killer o terorista. Palakpakan ang DILG, mga kaibigan.

Kung ang mga abugado – ang mga tagapagtanggol ng batas – ay pinapatay, pinatatahimik, at sinisindak, kanino tayo dudulog?

Kung nagmistulang factory ng search warrants ang ilang hukom, paano tayo magtitiwala sa mga korte?

At tila wala tayong aasahang political will mula sa mga banyagang bansa upang sitahin si Duterte. Kitang-kita 'yan sa malamyang tugon ng United Nations Human Rights Council sa kalunos-lunos na sitwasyong human rights sa Pilipinas. Tinawag nga ni UN Special Rapporteur for Summary Executions Agnes Callamard na “nakahihiya” o "shameful" ang resolusyon.

Tila nalulusaw na ang demokrasya at paghahari ng batas sa ating bansa right before our eyes. At kinikitil ng mga pagpatay na ito, hindi lang ang demokrasya, kundi pati ang tiwala natin sa kabutihan ng mga lider na ipagtatanggol ang tama at matuwid.

Kill, kill, kill na lang ba ang lengguwaheng maiintindihan ng lahat? Sabi nga ni Bise Presidente Leni Robredo, “[We] deserve better than this murderous regime.” Hindi karapat-dapat – hindi natin deserved – ang isang mamamatay-taong rehimen.

May isang tula tungkol sa Holocaust ng mga Nazi ang angkop na angkop ngayon, palitan lang natin ang ilang mga kataga.

Kumakatok na sa ating pintuan ang kulturang kill, kill, kill, ang kultura ng impunity – ang pamana ni Duterte sa mga Pilipino.

Sabi nga ng dating senador na si Rene Saguisag kay Digong, “I believe your title is President, not King.” 

Pangulong Duterte, hinalal kang presidente – hindi ka iniluklok na hari. Hindi ka binigyan ng sukdulang kapangyarihan sa buhay ng lahat ng Pilipino. – Rappler.com