Ferdinand Marcos Jr.

[VIDEO EDITORIAL] Sandaang araw ni Marcos: ‘Delivering the bare minimum’

Rappler.com
[VIDEO EDITORIAL] Sandaang araw ni Marcos: ‘Delivering the bare minimum’
Sabi mismo ni Marcos, nakumpuni niya ang isang gobyernong umaandar o 'functional.' Pero sabi ng mga kritiko, ito raw ay bare minimum.

Matapos ang panunungkulan ni President Rodrigo Duterte, parang University of the Philippines men’s basketball ang naging slogan ng bayan: Nowhere to go but up.

Sa ilalim ni Duterte naghari ang mga padrino, sumikat ang mga incompetent, hindi mahalaga ang merit, at nagantimpalaan ang mga burara. 

Siyempre, ito rin ang administrasyong nagpabaha ng dugo sa mga lansangan.

Sabi mismo ni Marcos, nakumpuni niya ang isang gobyernong umaandar o “functional.”

Pero sabi ng mga kritiko, hindi raw accomplishment ang maging functional — ito raw ay bare minimum.

Sa larangan naman ng pamumuno, malinaw naman sa lahat na ang isang Marcos presidency ay magiging isang family affair. 

Siyempre, ang isang Marcos family affair ay magiging hitik sa party at travel. 

Pero ekis sa accountability. Ekis sa pagpapalakad ng ekonomiya. Tila ekis din, ayon sa social media users, sa prayoridad niya bilang pinuno.

Samakatuwid, wala pang malinaw na ipinahiwatig sa atin ang unang sandaang araw ni Marcos Jr.

Abangan ang susunod na kabanata!

BASAHIN: [EDITORIAL] Sandaang araw ni Marcos: ‘Delivering the bare minimum’

Rappler.com