The Green Report

The Green Report: San Enrique, ang komunidad na nangangalaga sa bakawan

Rappler.com
LIVE
The Green Report: San Enrique, ang komunidad na nangangalaga sa bakawan
Abangan ang #TheGreenReport episode na ito sa darating na Sabado, ika-9 ng Setyembre, 5 pm

MANILA, Philippines – Sa mga susunod na taon, inaasahang mas lalakas pa ang mga bagyong tatama sa Pilipinas.

Isa sa mga nature-based solutions na nakikitang panlaban sa paglakas ng mga darating na bagyo ay ang pagtatanim at pangangalaga ng mangroves o bakawan. Bilang buffer zone, binabawasan ng bakawan ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa episode na ito ng The Green Report, nagpunta ang Rappler sa San Enrique, isang bayan sa Negros Occidental na aktibong nagpapatupad ng mangrove rehabilitation program.

Ang San Enrique ay isang 4th class municipality na may higit-kumulang 24,000 na residente. Parte ito ng Negros Occidental Coastal Wetlands Conservation Area.

Ang buhay malapit sa dagat ang nagpaintindi sa mga residente ng importansiya ng bakawan para sa kanilang kabuhayan at kaligtasan.

Panoorin ang episode na ito sa Sabado, ika-9 ng Setyembre, 5 nh.

Writers/reporters: Jee Geronimo, Iya Gozum
Graphics artists: David Castuciano, Marian Hukom
Video editor: Emerald Hidalgo
Videographers: Jeff Digma, Ulysis Pontanares
Producer: Nina Liu
Supervising producer: Beth Frondoso

Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!