Fact checks on public officials

FACT CHECK: Si Remulla pa rin ang DOJ secretary, hindi si Roque

Rappler.com
FACT CHECK: Si Remulla pa rin ang DOJ secretary, hindi si Roque
'Do not believe everything you read,' ang pahayag ni DOJ spokesman Mico Clavano ukol sa mga sabi-sabing pinalitan ng abogadong si Harry Roque si Justice Secretary Boying Remulla

Ang sabi-sabi: Ipinalit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay kasalukuyang Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang abogadong si Harry Roque.  

Nakalagay sa pamagat ng isang Facebook video: “KAKAPASOK LANG MATINDING UTOS PRES MARCOS HARRY ROQUE IPALIT DOJ REMULLA RESIGN BANTAG BALIK BUCOR”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang magulong pamagat ng video ay nagdudulot ng kalituhan sa mga nanood ng video base sa mga komento – ipinaparating nitong pinalitan na ni Roque si Remulla bilang kalihim ng nasabing ahensiya. Sa kasalukuyan, ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 102,000 na view, 4,400 na reaksiyon, 1,200 na komento, at 657 na share.

Ang katotohanan: Si Remulla pa rin ang kasalukuyang kalihim ng DOJ. Kinumpirma ito mismo ng ahensiya sa isang email sa Rappler noong ika-22 ng Disyembre.

“Don’t believe everything you read,” ang pahayag ng tagapagsalita ng DOJ na si Mico Clavano hinggil sa mga sabi-sabing pinalitan ni Roque si Remulla bilang DOJ secretary. 

Wala rin namang ulat mula sa mga media networks gaya ng ABS-CBN, GMA, CNN, Inquirer.net, Manila Bulletin, at PhilStar hinggil sa sabi-sabing pagpapalit. 

Sa mga nagdaang balita ay makikitang si Remulla pa rin ang tumatayong DOJ secretary. Ilan sa mga balitang nailathala ng Rappler hinggil sa DOJ sa nagdaang mga araw ay ang mga sumusunod:

– Ailla Dela Cruz/ Rappler.com


Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.