Marcos Fact Checks

HINDI TOTOO: Kinopya ng South Korea at Singapore ang economic blueprint ni Marcos

Lorenz Pasion, Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Kinopya ng South Korea at Singapore ang economic blueprint ni Marcos
Binigyang pansin ni Marcos ang liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa at pinabayaan nito ang mga lokal na industriya, kabaligtaran ng estratehiya ng South Korea at Singapore
Buod
  • Ang sabi-sabi: Kinopya ng South Korea at Singapore ang economic blueprint ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
  • Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng Altermidya sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito.
  • Ang katotohanan: Ayon sa ilang pag-aaral, ang estratehiya ni Marcos ay “anti-industrialization,” na kabaliktaran ng estratehiya ng South Korea at Singapore.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 34,500 reaksiyon, 469 na komento, at 274,000 na views ang video na nagtataglay ng sabi-sabing ito sa TikTok.
Mga detalye

Sinabi ng YouTube creator na si John Anthony Jaboya, na mas kilala bilang “Sangkay Janjan TV,” sa kaniyang TikTok account na “sangkay_janjan_tv” na kinopya ng South Korea at Singapore ang economic blueprint ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ito ni Jaboya sa isang three-part-video series na pinamagatan niyang “Ang sikretong blueprint ni Marcos.”

Sabi ni Jaboya sa 01:03 timestamp ng ikalawang video, “Sinasabi po ng mga malalapit kay Marcos maging sa ilang matataas na mga tao na may alam sa blueprint na ito na nakopya ng Singapore at South Korea ang blueprint na mayroon si pangulong Marcos.”

Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 34,500 reaksiyon, 469 na komento, at 274,000 na views ang video sa TikTok.

Hindi ito totoo. 

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, na isinulat ng ekonomista na si Gonzalo Jurado, itinuloy ni Marcos ang mga plano ng mga nagdaang administrasyon para sa ekonomiya ng bansa, ngunit mas binigyan niya ng pansin ang liberalisasyon nito.

Ito ay sinuportahan ng IBON Foundation, na nagsabing umasa ang administrasyon ni Marcos sa “trade liberalism.”

Sinabi naman sa ibang mga pag-aaral na ang economic model ni Marcos ay “anti-industrialization” dahil ang mga malalaking sektor ng ekonomiya ay nasa ilalim ng monopolyo ng mga crony ni Marcos. Binigyang-pansin din ng kaniyang administrasyon ang pagbubukas ng ekonomiya para sa mga banyaga, na naging dahilan upang mapabayaan ang mga lokal na industriya.

Ito ay kabaligtaran ng ginawa ng South Korea, na nagbigay ng priyoridad sa pagsuporta ng mga lokal na industriya kaya nabigyan ng proteksiyon ang mga ito laban sa mga banyagang negosyo. Ayon sa Kellog Institute, nagdulot ito ng industriyalisasyon sa buong South Korea.

Sinabi naman sa isang keynote address ni Ravi Menon, managing director ng Monetary Authority of Singapore, na isa sa mga estratehiyang ginamit ng Singapore ay ang pag-iwas sa pag-angkat at ang pagbibigay ng priyoridad sa industriyalisasyon sa pamamagitan ng pag-export.

Ayon sa Asian Development Bank, isa ang South Korea sa mga nangungunang ekonomiya noong 1960, limang taon bago maging pangulo ng Pilipinas si Marcos noong 1965.

Na-fact-check na ng Rappler ang ilan pang mga sabi-sabi na nagmula sa YouTube creator na si Sangkay Janjan:

 – Lorenz Pasion/Rappler.com kasama si Vivian Vera/Altermidya

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Lorenz Pasion

Lorenz Pasion is a researcher at Rappler and a member of its fact-check team that debunks false claims that spread on social media.