[PODCAST] Mga problema sa ayuda ngayong pandemya

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple PodcastsSoundcloud, and Anchor.

Lumipas ang isang linggo ng panibagong enhanced community quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya bago nagsimulang ipamahagi ang tulong-pinansyal mula sa gobyerno para sa mga mamamayang apektado.

Ang sitwasyon ay hindi nalalayo sa dinanas ng mga Pilipino sa simula ng lockdown noong 2020.

Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler business reporters Ralf Rivas at Aika Rey at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit nga ba nagkakaproblema sa ayuda nitong pandemya.

Ayon kay Rey, tila hindi natuto ang gobyerno sa mga pagkakamali nito noong nakaraang taon:

Iyon exactly iyong malaking question. Bakit kasi hindi nila nilagyan ng line item sa 2021 budget para sa cash aid? Palagi kasi nila sinasabi na "No, hindi natin kailangan kasi mag-o-open ang economy, we’ll be in a better position next year." Now, the economic team is looking for available fund sources to finance the cash aid kasi just in case other areas outside NCR+ ay mag-lockdown din. Hindi nila ginawa last year so ngayon, parang nagagahol sila ulit for time and for resources to allocate something na dapat inallocate na nila last year. So parang naging throwback ulit, parang deja vu ng 2020. Kasi iyon ang main problem ng 2020. Hindi akma ang 2020 budget sa pandemic. Tapos ngayon, kaya nga sila nagpasa ng Bayanihan 1 and 2 kasi wala kang line item for cash aid. Eh ngayon 2021, wala ulit.

Ayon naman kay Rivas, importanteng mailabas na agad ang tulong-pinansyal kung gusto ng gobyernong magtagumpay ang ECQ:

I will emphasize this again and again na ang cash aid, importante kaya kailangan ilabas na ang pera kasi kung hindi makakatanggap ang tao, iyong mga tao lalabas ng bahay at maghahanap ng pagkain. It would defeat the purpose of an ECQ. Kailangan talaga ang cash aid. Malaki ang role ng government at hindi puwedeng hands off and leave it up to the private sector and to the companies to look after their people. Marami na ang na-layoff and the companies cannot look after them. So who’s gonna look after sa mga unemployed and mga mahihirap? Gobyerno. And there are more people looking for work and can’t find jobs.

Paano mapapaayos ang proseso? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: