Newsbreak: Beyond the Stories

[PODCAST] Beyond the Stories: Eksperimento sa face-to-face classes

[PODCAST] Beyond the Stories: Eksperimento sa face-to-face classes
Sinimulan ito sa mga piling probinsiya at eskuwelahan. Kailan maibabalik ang pisikal na mga klase sa buong bansa? Panoorin ang talakayan sa Miyerkoles, Nobyembre 24!
[PODCAST] Beyond the Stories: Eksperimento sa face-to-face classes

Nakaisang linggo na nitong Nobyembre ang face-to-face classes sa mga piling probinsiya at paaralan sa Pilipinas. Susubukan lang ito makalipas ang halos dalawang taong online classes dahil sa pandemya, at ititigil ulit sa Enero 2022.  

Isang daang pampublikong paaralan ang kabilang sa pilot run. Nitong Nobyembre 22 naman, sumali na ang 18 na pribadong paaralan.

Sa Miyerkoles, Nobyembre 24, tatalakayin nina Rappler education reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan ang pilot run ng face-to-face classes.

Ano-ano ang kailangan sa face-to-face classes na naisagawa ng Department of Education? Ano-ano ang babantayan nila para masabing puwede nang magkaroon ng pisikal na klase sa lahat ng eskuwelahan sa bansa?

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay serye ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Filipinas. – Rappler.com

Panoorin at pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.