![[PODCAST] Ang bagong school year sa gitna ng pandemya sa Pilipinas](https://www.rappler.com/tachyon/2020/10/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes and Spotify
Nagsimula ang panibagong school year nitong Oktubre 5. Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang taon, tututok sa mga aralin ang mga estudyante habang nasa kanilang mga bahay dahil sa pandemya.
Dapat ay noong Agosto 24 pa nagbukas ang klase, pero ipinagpaliban ito Department of Education (DepEd) sa Oktubre dahil sa mga isyung umusbong.
Sa episode na ito, kukumustahin nina Rappler education reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan ang paghahanda ng DepEd at ng mga guro para sa bagong school year, at kung naiayos na ba ang mga isyung nakita nitong mga nakaraang buwan.
Bakit ang dami pa rin ng mga isyu? Ayon kay Magsambol:
It all boils down sa kakulangan sa budget. Hindi talaga siya sufficient. Kahit lion’s share ang nakukuha ng education sector every year sa government budget, hindi talaga siya enough. Of course, these are extraordinary times. Kahit paulit-ulit na sabihin ng DepEd na ready sila sa school opening, nagma-manifest pa rin na ang education system natin ay hindi talaga handa.
Kahit na maraming problema, lalo na sa internet connection, napansin ni Magsambol na talagang nagsusumikap pa rin ang mga estudyante, guro, at magulang:
Nakita kong positive na, kahit na ang daming kakulangan ng gobyerno para dito sa edukasyon natin sa gitna ng pandemya, iyong mga bata, guro, at mga magulang, ginagawa nila ang lahat para hindi sila maiwanan, para makapasok sila sa school.
Ano ang mga problemang dapat tutukan sa mga susunod na buwan? Pakinggan ang podcast episode.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Ang mainit na labanan sa Kamara nina Velasco at Cayetano
- Anong mangyayari sa Pilipinas kapag inalis ang EU trade perks?
- May anomalya ba sa malaking kontrata ng PhilHealth at Philippine Red Cross?
- Ang walang katapusang ‘special treatment’ para kay Pemberton
- Ano ang dapat gawin ng gobyerno habang wala pang coronavirus vaccine?
- Ang walang tigil na culture of impunity sa ilalim ni Duterte
- Ang PhilHealth sa gitna ng panibagong kontrobersiya
- Ang laban ng medical frontliners ay laban ng bawat Filipino
- Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.