Hindi Ito Marites

Hindi Ito Marites: Ang ‘divide and deflect strategy’ ng China

Rappler.com
Hindi Ito Marites: Ang ‘divide and deflect strategy’ ng China
Tila nag-aalala ang Tsina na magkakaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Vietnam ukol sa maritime boundaries

Iba na ang propaganda ng Tsina ngayon. Gusto nilang mawala ang atensyon natin sa kanilang panghihimasok sa West Philippine Sea. Gusto nilang huwag natin silang sisihin sa pag-harrass nila sa mga mangingisda at barko ng ating Coast Guard at Navy.

Sa episode na ito, samahan si Rappler editor-at-large Marites Vitug na alamin kung ano ang mga effort na ginagawa ng Tsina para ilihis ang isyu sa Vietnam, isang claimant country din sa South China Sea.

Sa seryeng Hindi Ito Marites, magbabahagi si Vitug ng trivia mula sa kanyang interviews, newsletter na Sui Generis, at iba pang verified information.

Para makatanggap ng Sui Generis newsletter, mag-subscribe para maging Rappler+ member. – Rappler.com

Download the Rappler App!