Tulad ng tao, ang mga bansa ay may mga kaibigan at kaaway din. Kapansin-pansin na pinapagtibay ng Pilipinas ang relasyon nito sa kanyang mga kaibigan. Noong Hunyo, ang mga coast guard ng Pilipinas, Japan, at Amerika ay nagsama-sama sa isang maritime exercise sa Mariveles, Bataan. First time na nangyari ito. Hindi lamang coast guard, kundi pati mga navy ng tatlong bansa ay nagsagawa rin ng maritime drills.
Sa episode na ito, samahan si Rappler editor-at-large Marites Vitug at alamin kung bakit kailangang magsanay ang mga coast guard ng Japan, Amerika, at Pilipinas.
Sa seryeng Hindi Ito Marites, magbabahagi si Vitug ng trivia mula sa kanyang interviews, newsletter na Sui Generis, at iba pang verified information.
Para makatanggap ng Sui Generis newsletter, mag-subscribe para maging Rappler+ member. – Rappler.com