COVID-19 vaccines

PANOORIN: Mabisa ba ang mga COVID-19 vaccine sa Pilipinas laban sa Delta?

PANOORIN: Mabisa ba ang mga COVID-19 vaccine sa Pilipinas laban sa Delta?
Epektibo ba ang mga COVID-19 vaccine laban sa Delta variant? Kaya ba ng mga bakuna na puksain ang virus habang may mga lumilitaw pang mas nakahahawang variant? Alamin kung ano ang masasabi ng mga eksperto

Nakapagtala ang World Health Organization ng hindi bababa sa apat na mga variant of concern (VOC) at apat na variant of interest (VOI) ng COVID-19. Ang pinakahuli rito ay ang Lambda, isang VOI na unang nadiskubre sa Peru at ngayon ay kumakalat na sa South America.

Pero ikinababahala ng mga scientist at mga health expert ang Delta, ang VOC na nadiskubre sa India. Umani ito ng atensyon dahil sa mga katangian nito. Mas nakahahawa ito, at kung matamaan ka, mas mataas ang tsansa mong manatili sa ospital. 

Dahil dito, maraming tanong ang umusbong: Epektibo ba ang mga COVID-19 vaccine laban sa Delta variant? Kaya bang puksain ng mga bakuna ang variant?

Panoorin ang Rappler explainer na ito at pakinggan kung ano ang masasabi ng mga health expert. – Rappler.com

ENGLISH VERSION: [WATCH] Can COVID-19 vaccines in the Philippines beat Delta variant?