Every two to three weeks, nagpapadala ang Philippine Navy ng resupply mission sa BRP Sierra Madre na nakapirme sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, kung saan nakabantay ang isang unit ng Philippine Marines. Pahirapan ang misyong ito dahil sa panggigitgit ng China Coast Guard at iba pang barko ng China sa mga barko at bangkang Pilipino.
Tunghayan sa maikling video na ito ang mga pangyayari noong resupply mission sa Ayungin Shoal noong November 10, kung saan binuntutan at pinalibutan ng mga Chinese ships ang Filipino vessels. – Rappler.com