Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Online classes: Tsek o ekis?

Rappler
[PODCAST] Laffler Talk: Online classes: Tsek o ekis?
Kumusta ang nakaraang school year sa ilalim ng distance learning? Panauhin sa episode na ito ang guro at awtor na si Joselito ‘Prof. Jowie’ delos Reyes.

Pakinggan sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Napakarami talagang pagbabagong dulot ang pandemya. Pati paraan ng pag-aaral ng mga estudyante, naapektuhan dahil napilitan ang lahat lumipat sa distance learning setup.

Ano-ano ba ang pinagdaanan ng mga mag-aaral at guro sa online classes nitong nakaraang school year? Kinaya ba ng lahat ang adjustments? 

Alin-alin ang nawala galing sa face-to-face classes, at ano-ano naman ang bagong patakaran? Paano na ang attendance checks at tsikahan sa classroom?

Iyan ang napag-usapan nina Chito, Michael, at Tristan, kasama ang professor, author, at Rappler columnist na si Joselito “Prof. Jowie” delos Reyes. – Rappler.com