literature

[New School] The most Mendiola of them all

Derron Francisco

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[New School] The most Mendiola of them all

Illustration by Guia Abogado

'[S]ana’y hindi tayo magsawa na bumalandra sa Mendiola nating ito. Ipagpatuloy ang nakasulat na pakikibaka hanggang sa makamit ang hustisya.'

New School features opinion pieces by young writers, highlighting youth issues and perspectives.

Kilala ang kalye ng Mendiola sa pagiging saksi nito sa maraming kilos-protesta na isinasagawa ng marhinalisadong sektor laban sa gobyerno. Saksi rin ito sa isa sa mga pinaka madugong massacre sa kasaysayan ng aktibismo – ang Mendiola Massacre. Ang nasabing pangyayari, na kumitil sa buhay ng labingtatlong tao, ay sa pagitan ng mga magsasaka, manggagawa, at estudyante laban sa rehimen ni dating pangulong Cory Aquino. Syempre dahil si Cory ‘yan, tungkol sa lupa ang mitsa ng rally.

Sa sobrang popular ng Mendiola pagdating sa aktibismo at free speech, naging alusyon na ito ng kalayaan maging sa ilang akda. Isa na riyan ay ang akda ni Abegail Joy Yuson Lee na pinamagatang Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil Kay Mama, kung saan ibinahagi ng awtor kung paano siya binigyan ng boses ng internet; boses upang iparating ang mga “say” niya sa maraming bagay tulad ng mga isyu sa lipunan, at kahit sa suhestiyon niyang magagandang gawin sa summer vacation ng isang kakilala.

Ngunit bukod sa Mendiola as in lugar at Mendiola as in internet, may isa pang free wall ng mga damdamin, opinyon, at kagustuhan akong nalaman. Actually, nakatanim na talaga sa isip ko na ito ang gamit ng sinasabi kong isa pang Mendiola; pero nitong semestre lang talaga ako nasampal ng katotohanang ito – ang panitikan. Well, sinasalamin naman talaga ng panitikan ang nangyayari sa ating mga sarili at ating ginagalawang lipunan; at syempre nagiging plataporma rin ng mga hinaing.

Must Read

Isa-isa lang, sa sarili muna. Naalala ko iyong sinabi ni Sir Joselito Delos Reyes kung paanong bigyan ng lugod ng mga tula tayong mga mambabasa. Tipong maluluha raw tayo pagkatapos magbasa. Minsan din daw ay mayroong bakit-hindi-ko-naisip-at-naisulat-‘yun-eh-‘yun-din-naman-ang-nararamdaman-ko sensation. Ipinakikita ng “sensation” na ‘to kung paanong ang panitikan ay bumabaon sa kaibuturan ng ating mga damdamin at sinasalamin tayo. Well, in a smaller sense na in this case eh ang mga sarili natin, sa ganitong paraan nagiging Mendiola ang panitikan – bilang tagasabi ng mga hindi natin masabi. Parang kaibigan na tiga-abot ng isinulat mong love letter para sa sinisinta, iniirog, at pinakapipitagan mong crush.

Pero through a larger lens, sa mga ganitong paraan nagiging Mendiola ang panitikan: bilang tagapagtaguyod ng pantay na karapatan para sa lahat ng kasarian at bilang napakalaking plakard ng mga abusadong manggagawa. Syempre marami pang ibang napapanahong isyu na marahil ay open secret na rin; ngunit itong mga nabanggit ang mas bibigyan natin ng pansin sa mini discussion na ito. 

Pagdating sa pagtataguyod ng lehitimong pagtanggap at pantay na karapatan para sa mga kapatid nating LGBTQ, eh naging malawak na Mendiola ang panitikan. Isa sa mga magandang halimbawa ay ang Ikaklit sa Aming Hardin na isinulat ni Bernadette Neri. Bukod sa napakahusay na naratibo at malikhaing paghahatid ng mensahe, commendable din sa akda ang dulot nitong enlightenment at engagement para sa mga paslit pagdating sa usapin ng same sex parenting na hanggang ngayon e sanhi pa rin ng panlalaki ng mata ng marami sa ating mga kababayan.

Must Read

[New School] Panitikan ng Pilipinas: Salamin ng isyu ng lipunan

[New School] Panitikan ng Pilipinas: Salamin ng isyu ng lipunan

Ngunit sa kabilang banda, natitiyak kong malayo pa talaga ang tatahaking daan ng lipunang Pilipino upang totoong matanggap ang mga ganitong bagay. Patunay dyan ay ang nabasa kong artikulo na naglalahad ng madilim at marahas na dinaranas ng mga kapatid nating transgender. Napag-alaman kong hindi lang sila basta kinukutya, o minumura, o tinatawag sa kung ano-anong pangalan…binabawian din sila ng buhay, na ayon din sa kaparehong artikulo, eh out of disgust lang. Mas nakalulungkot pa rito na halos lahat sa mga biktimang ito ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.

Magaan man o mabigat ang paglalahad ng mga hinaing, tagumpay pa rin naman ang panitikan sa pagpapamukha sa’tin ng mga nangyayari sa lipunang Filipino. Nakikita ba ninyo ang koneksyon? Kung paanong ibulgar ng mga letra ang mga injustices sa kasalukuyan? Kung paanong ipagsigawan ng mga miyembro ng nasabing sektor ang kanilang kagustuhan sa pamamagitan ng pagsulat? Mendiola nga talaga. Marahil nga eh may iba’t ibang paraphernalia ang maraming “ralyista” hinggil sa isyu ng kasarian; ngunit sinong may pake sa sobre, kung mensahe ang mahalaga. 

Pagdating naman sa mga isyu hinggil sa manggagawa, never tayong binigo ng panitikan pagdating sa pagiging Mendiola nito. At tutal eh nabanggit naman na rin si Cory, gawin na nating halimbawa ang Kabyawan, na kalipunan ng mga akda mula sa mga pinahihirapang manggagawa at magsasaka na nakabase sa Hacienda Louisita. Mahihinuha sa kalipunang ito na hindi talaga binibigyang-pansin ng mga Cojuangco ang hinaing ng kanilang mga trabahador. Heto ang tumatak sa aking linya: 

Galit ang magnanakaw sa kapwa nagnanakaw,

Ngunit lalong galit ang magnanakaw

Sa kanyang pinagnakawan –

Lalo’t binabawi sa kanya ang ninakaw… (sipi mula sa Mga Bukas na Liham sa Hacienda Luisita)

Must Read

SC wants task force to settle just compensation for Hacienda Luisita owners

SC wants task force to settle just compensation for Hacienda Luisita owners

 Well, kaya siya tumatak sa’kin eh dahil sa mahusay na pagkakagamit sa salawikaing alam natin; at lalo pang naging totoo. Moreover, epektibo ang likhang ito at nakuha ang simpatiya ko pagdating sa mga ganitong usapin. Para akong napadaan lang sa kalye ng Mendiola at nang marinig ko ang hinaing ng mga magtutubong nagpo-protesta, ay nakisali na ako sa kanilang ipinaglalaban kahit kabilang ako sa mga naghahangad bumaba ang presyo ng asukal. 

Sa kabuuan ng mga sinabi ko rito, talagang alam ko na kung para saan itong panitikan. Pwedeng panlibang, pwedeng pampakilig, pwedeng pang-share ng chismis, pwedeng panggising, pwede ring pampalibog, at pwede talagang maging Mendiola. Maganda kung iisipin, pero may mga implikasyon din gaya ng walang pakialam ang mga nais talagang patungkulan ng mga rally – ang gobyerno (well hindi lagi, pero most of the time, dahil nga bumababa sa mga papel ang matagal naman nang ipinagsisigawan ng masa). Lalo na sa rehimeng ito na pinamumunuan ng isang presidenteng mala-bulldog sa harap ng kanyang mga alipores; ngunit mistulang tuta ‘pag kausap si Chiginpin, either way aso pa rin. 

Pero anyways, sana’y hindi tayo magsawa na bumalandra sa Mendiola nating ito. Ipagpatuloy ang nakasulat na pakikibaka hanggang sa makamit ang hustisya. Pero ang malungkot na katotohanan ay maraming hindi alam ang patungo sa Mendiola; o di kaya’y ayaw pumunta rito. Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Sir Jowie na habang nagtatatalak tayo rito tungkol sa kung ano, para saan, para kanino ang panitikan, eh may isang milyon at isang batang hindi naman nagbabasa. Ouch. – Rappler.com

Derron Francisco is a Secondary Education major at Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. He dreams of becoming an impactful teacher someday.

Voices features opinions from readers of all backgrounds, persuasions, and ages; analyses from advocacy leaders and subject matter experts; and reflections and editorials from Rappler staff. 

You may submit pieces for review to opinion@rappler.com. 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!