Fact checks on online scams

FACT CHECK: Walang link para sa DSWD AKAP cash assistance

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FACT CHECK: Walang link para sa DSWD AKAP cash assistance
Ilang beses nang pinabulaanan ng Rappler ang application links para sa ayuda na galing umano sa Department of Social Welfare and Development

Ang sabi-sabi: Maaari nang makapag-register para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) gamit ang online application link.

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang TikTok video na ini-upload noong Mayo 6 ng isang account na may 27,000 followers ay mayroon nang 31,500 views, 1,008 likes, at 199 bookmarks.

Nakapaloob sa video ang mga alituntunin para mag-apply sa iba’t ibang cash assistance at scholarship program ng pamahalaan, kabilang na ang AKAP, gamit ang online application link. 

Ang katotohanan: Peke ang link, at hindi ito galing sa DSWD o anumang kagawaran ng gobyerno. Matagal nang pinabulaanan ng Rappler ang mga kahina-hinalang link para umano sa pagrerehistro sa AKAP cash assistance program ng DSWD.

Hindi kailanman inendorso ng opisyal na Facebook page o website ng DSWD ang naturang account na nagpapakalat ng link. Dati na ring nagbabala ang kagawaran na mag-ingat sa mga pekeng link na humihingi ng sensitibong impormasyon upang hindi mabiktima ng mga phishing scam at identity theft. (BASAHIN: Phishing 101: How to spot and avoid phishing)

Ayon sa implementation guidance ng AKAP, ang pagbibigay ng ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo ay maaaring direktang ipatupad ng DSWD o sa pamamagitan ng mga partner nito tulad ng lokal na pamahalaan. Kailangang mag-sumite ng mga dokumento at sumailalim ang mga aplikante sa screening, interview, at assessment ng mga DSWD social workers upang maging kwalipikado para sa ayuda.

ALSO ON RAPPLER

Para sa minimum wage earners: Salungat sa sabi-sabi ng video, nakalaan ang AKAP para sa mga “near poor” wage earners, o kumikita ng mas mababa sa P23,000 kada buwan. Hindi kasama rito ang mga kabilang na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Tinatayang hanggang P5,000 ang puwedeng matanggap ng bawat pamilyang benipisyaryo ng programa.

Layon ng programang bigyan ng safety net ang mga manggagawa upang maiwasan ang lalong pagbaba nila sa poverty line dahil sa mataas na inflation.

Ayon sa update ng DSWD MIMAROPA field office noong Mayo 6, nag-umpisa na ang mga orientation tungkol sa programa.

May ilang fact check na ring inilabas ang Rappler ukol sa mga kahina-hinalang links para sa pagkuha ng ayuda:

– Kyle Marcelino/Rappler.com

Si Kyle Marcelino ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!