[PODCAST] Bakit si Debold Sinas ang piniling maging bagong PNP chief?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunesSpotifySoundcloud, and Anchor.

Hindi tumalab ang patung-patong na kontrobersiya laban kay Debold Sinas dahil siya pa rin ang piniling maging bagong chief ng Philippine National Police.

Nilabag niya ang istriktong community quarantine guidelines dahil sa kanyang mañanita. Bago nito, matindi na rin ang violence sa ilalim ng kanyang termino bilang police ng Central Visayas. (READ: Sinas' rise to PNP chief shows Duterte rewarding rights violators)

Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler police reporter Rambo Talabong at researcher-writer Jodesz Gavilan ang rason kung bakit si Sinas ang napiling PNP chief ni Pangulong Rodrigo Duterte, at kung ano ang maaaring mangyari sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Ayon kay Talabong, dapat abangan kung magbabago ba si Sinas bilang PNP chief:

You see General Sinas as someone who’s really trusted by Duterte, even despite the controversies he faced before, like the big mañanita fiasco. I’m excited to see how the position might change him, and if ever there will be controveries, I’m pretty sure there will be controversies because [he] now has to answer for all the problems of the PNP. You have 200,000 personnel in the PNP and he has to answer to that. There will come a time when he will be tested again. Not only test General Sinas, but also Duterte. His trust will be tested. I believe it can only take them so long and so much to stand by each other.

Ano ang mga isyung haharapin ni Sinas sa loob ng maikling panahon (hanggang May 2021 lamang) na siya ay PNP chief? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest Newsbreak: Beyond the Stories episodes: