Rodrigo Duterte

[EDITORIAL] Ang Death March natin ngayon

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[EDITORIAL] Ang Death March natin ngayon

Nico Villarete

May sarili rin tayong Death March ngayon: kanser ng pagkalimot at historical revisionism, slow death ng mga institusyong haligi ng malusog na demokrasya, at opium ng pekeng normalcy

Sa biglang tingin, malayo sa bituka ang Day of Valor o Araw ng Kagitingan, na dating Bataan Day.

Bituka – ‘yan ang buod na national life natin ngayon sa ilalim ng pangulong si Ferdinand Marcos Jr. – tulad din ng mga salitang kill, kill, kill na naging buod ng buhay natin sa ilalim ni Rodrigo Duterte.

Ayon sa diksiyonaryo, ang “valor” ay “great courage in the face of danger, especially in battle.” Kaya’t madalas itong ginagamit sa kabayanihan ng mga sundalo. Angkop ito sa Bataan Day, pero sa maraming aspeto, angkop din ito ngayon.

Dahil kung iisipin, kinakaharap natin ang matitinding panganib ngayon: learning poverty na kung saan ang mga 10 taong gulang ay hindi nakababasa at ‘di nakaiiintindi ng simpleng istorya; nakaambang energy crisis sa pagkaubos ng natural gas sa Malampaya; disinformation at revisionism na maaaring bumura ng kasaysayan; at ang pinakamatindi sa lahat – ang food crisis sa harap ng dispalinghado at makalumang sistema ng food production sa bansa.

Araw ng Kagitingan ay pagkakataong kilalanin ang resilience ng modernong Pinoy – na di nalalayo sa nag-Death March noong April 9, 1942. Masakit mang sabihin, may sarili rin tayong Death March ngayon: kanser ng pagkalimot at historical revisionism, slow death ng mga institusyong haligi ng malusog na demokrasya, at opium ng pekeng normalcy. 

At napag-uusapan na rin lang ang resilience – kailangan din natin ng tibay ng loob upang umigpaw sa walang katapusang pamamaluktot at pag-tumbling upang tahakin ang landas ng kasaganahan. ‘Yung tunay na kasaganahan, hindi “Bagong Lipunan.”

Magka-back-to-back ang Pasko ng Pagkabuhay at Araw ng Kagitingan/Bataan Day. Parehong buhay at kamatayan na may halong pag-asa. Ito ang patuloy na pagbangon natin bilang bansa at muling pagkabuhay sa harap ng walang patid na pagsubok. 

Pagkakataon itong magbigay pugay ‘di lang sa mga namatay na bayani kundi pati sa buhay pang mga bayaning patuloy na nakikibaka sa ibat-ibang larangan.

Nariyan ang climate change activists, human rights defenders, at fact-checkers.

Nariyan ang mga mamamahayag na patuloy na ipinaglalaban ang katotohanan sa harap ng walang tigil na mga atake, pananakot, at hampas ng kasinungalingan.

Nariyan din ang mga sundalo at pulis na nananatiling malinis at buo ang pusong maglingkod sa bayan.

Nariyan pa rin ang public servant sa gobyernong nagsusumikap maging tapat sa kanilang tungkulin, ang guro at health worker na naglilingkod pa rin sa kabila ng kawalang malasakit ng burukrasya sa kanila.

Nariyan ang ordinaryong Pinoy na kumakayod para mabuhay nang maayos.

Meron at merong pumapalit sa mga nasawi sa Martsa ng Buhay, may mga susunod na henerasyon ng mga mandirigma – mga ordinaryong Pilipinong laging naniniwalang may kahihinatnan ang lahat. 

Pero dapat may katapusan ang vicious cycle – dapat may katapusan ang Death March. Sana lang, magbunga na rin ang paulit-ulit na kabayanihang ito.

What makes a nation great? Hindi lamang ang kabayanihan sa harap ng isang Death March. Hindi lang ito kakayahan nating magmartsa, kundi ang kakayahan nating umigpaw sa kumunoy ng kahirapan, korapsiyon, bulok na pulitika, at “bahala na”. – Rappler.com

1 comment

Sort by
  1. ET

    Thanks to Rappler for this very inspirational editorial.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!