red-tagging

[VIDEO EDITORIAL] Sino ang #1 recruiter ng NPA?

Rappler
Sino nga ba ang pinakamagaling magrekrut para sa kilusang komunista? Walang iba kundi ang estadong nagpapasikip ng espasyo ng demokrasya

MANILA, Philippines – “Sagutin muna nila kung bakit namatay ang mga taong ito kasama ang mga NPA?” ‘Yan ang hirit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga opisyal ng University of the Philippines.

Madikit ang messaging na ito na nagpakaba sa mga magulang. Lalo na kung ang anak mo ay nag-aaral sa 18 pamantasang ni-red-tag ng task force laban sa insurgency na umano’y “recruitment haven” ng New People’s Army.

Muling sumulpot ang isyung ito matapos wakasan ng Department of National Defense ang tinaguriang UP-DND accord, isang kasunduang binuo noong 1989.

Panoorin paano pinabulaanan ng Rappler ang mga kasinungalingang ipinapakalat ng militar.

BASAHIN: [EDITORIAL] Sino ang #1 recruiter ng NPA? Rappler.com