2022 PH vice presidential race

BOSES NG KALYE: Sino ang bise presidente ng mga Cebuano?

BOSES NG KALYE: Sino ang bise presidente ng mga Cebuano?
Tinanong ng Rappler team kung ano ang hanap ng mga Cebuano sa isang bise pangulo

Ang Cebu ang probinsyang may pinakamaraming boto sa buong Pilipinas kaya hindi na nakakagulat na sila ay palaging nililigawan tuwing eleksyon.

Mahigit sa 3.3 milyon na botante ang nasa Cebu, kasama na ang mga siyudad nito. Kung gustong manalo ng kandidato, kailangang mangampanya talaga dito.

Pero teka, ano ba ang hanap ng mga Cebuano sa isang politiko? Sa episode na ito ng Boses ng Kalye, tinanong ni Rappler reporter Rambo Talabong at correspondent John Sitchon ang kanilang hinahanap na mga katangian sa isang pangalawang pangulo.

Sa huli, tinanong namin kung kung sino ang kanilang iboboto.

Panuorin ang episode na ito ng Boses ng Kalye sa Rappler. – Rappler.com