Rappler legal cases

Rappler Recap: Korte, pinagtibay na hindi tax evader ang Rappler

Rappler.com
Rappler Recap: Korte, pinagtibay na hindi tax evader ang Rappler
Ang acquittal ni Maria Ressa at ng Rappler sa ikalima at huling tax case nila ay pinabubulaanan ang mga paratang ng tax evasion na nagmula pa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte

MANILA, Philippines – Hindi tax evader ang Rappler.

Iyan ang pinatunayan ng acquittal ni Nobel Peace Prize laureate at Rappler CEO Maria Ressa at ng Rappler Holdings Corporation mula sa Pasig City Regional Trial Court Branch 157 nitong Martes, Setyembre 12.

Ang acquittal ni Ressa at ng Rappler sa ikalima at huling tax case nila ay pinabubulaanan ang mga paratang ng tax evasion na nagmula pa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Noong Enero, ibinasura na rin ng Court of Tax Appeals ang apat na tax cases.

Sa Rappler Recap na ito, ipaliliwanag nina Rappler reporter Michelle Abad at Jairo Bolledo ang detalye ng naging sakdal ng korte. Ibabahagi rin nila ang naging karanasan nila sa pagtutok sa nangyaring paghatol. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!