ORIENTAL MINDORO, Philippines – Apat na buwan nang walang hanapbuhay ang mga mangingisda sa Pola at Pinamalayan sa Oriental Mindoro buhat ng oil spill at fishing ban.
Kanya-kanyang diskarte ang mga mangingisda para maitawid ang araw-araw na gastusin.
Kamakailan lang ay idineklara na ng Philippine Coast Guard na tapos na ang pagtanggal ng langis sa lumubog na barko. Ngunit mahabang panahon pa ang gugugulin pa ang rehabilitasyon ng kalikasan at pag-ahon ng mga residente sa pinsalang dinulot ng oil spill.
Hanggang kailan magtitiis ang mga mangingisda at residente? Panoorin ang report na ito. – Rappler.com