Fact checks on public officials

FACT CHECK: ‘Di totoong bagong adviser ni Marcos si Duterte

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FACT CHECK: ‘Di totoong bagong adviser ni Marcos si Duterte
Walang balita o anunsiyo na itinalaga bilang adviser si dating pangulong Rodrigo Duterte ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang sabi-sabi: Balik Malacañang na si dating pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’t bagong adviser ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Nakalagay ang mga tekstong “BALIK MALACANANG NA” “DUTERTE BAGONG ADVISER NI PBBM” sa thumbnail ng video na pinamagatang “KAPAPASOK LANG! GOODNEWS MALACAÑANG! DUTERTE PRES MARCOS SANIB PWERSA na mga PROBLEMA TATAPO-SIN na!”

Tanging komentaryo hinggil sa ginawang sit-down interview ng Pangulo sa media noong Enero 23 ang laman ng video. Hindi nilinaw sa video kung anong tiyak na posisyon ni Duterte bilang adviser.

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 10,000 na view sa kasalukuyan. 

Ang katotohanan: Walang anunsiyo o balita hinggil sa pagkakatalaga kay Duterte bilang bagong adviser ng Pangulo sa Malacañang. Ang ganitong pangyayari ay imposibleng hindi lamanin ng mga anunsiyo at balita, ngunit ang naturang sabi-sabi ay hindi makita sa website ng Office of the President, sa mga media outlet, maging sa mga news outlet ng gobyerno. 

Hindi nilinaw sa video kung ano ang tiyak na umano’y katungkulan ni Duterte ngunit base sa listahan ng mga ehekutibong departamento at opisina, hindi pinalitan ni Duterte ang mga mayroong titulo bilang adviser. 

Pinalitan nitong Enero 14 si Clarita Carlos bilang National Security Adviser (NSA) ni Eduardo Año. Nakaupo pa rin sa kanilang mga puwesto bilang kalihim ng mga opisina sina Roman Felix bilang Presidential Adviser on Military Affairs, Carlito Galvez bilang Presidential Peace Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, Juan Ponce Enrile bilang at Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!