Fact Checks about media

FACT CHECK: Ibinalita ng mainstream media ang naiuwing $22 bilyong investment ni Marcos Jr.

Rappler.com
FACT CHECK: Ibinalita ng mainstream media ang naiuwing $22 bilyong investment ni Marcos Jr.
Ibinalita ng maraming media, kasama ang Rappler, ang naiuwing $22 bilyong investment pledges ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga nakapulong niyang business leaders at investors sa kanyang state visit sa China

Ang sabi-sabi: Hindi ibinalita ng mainstream media ang naiuwing $22 bilyong investment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa China. 

Sinabi sa video na pinamagatang “SEN. IMEE, PINAIYAK SI KAREN AT MEL SA BILYONG INIUWING INVESTMENTS NI PBBM NA DI NILA IBINALITA”: “Kahit hindi man naibalita ng ilang mainstream media, nais ipaalam ng senadora sa sambayanang Pilipino na ang kanilang naiuwi ay lilikha ng mas maraming oportunidad at trabaho na pakikinabangan ng milyon-milyon nating mga kababayan.” 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Kahit na pawang kasinungalingan ito, pilit na ipinalalabas ng ilang content creators na hindi raw ibinalita ng mainstream media ang ilang kaganapan at proyekto ng administrasyong Marcos.

Ang katotohanan: Ibinalita ng GMA 7, ABS-CBN, at TV5 ang $22 bilyong investment pledges na naiuwi ni Marcos mula sa kanyang pagbisita sa China. 

Ibinalita ng TV Patrol, 24 Oras at ng One News PH noong ika-5 ng Enero ang naiuwing bilyong investment pledges ni Marcos. 

Inilathala rin ang nasabing balita sa mga news websites gaya ng Rappler, GMA News Online, ABS-CBN News, Manila Bulletin, Inquirer.net, at Philstar

Pilit ang paglaganap ng mga sabi-sabing hindi raw ibinabalita ng mainstream media ang ilan sa mga kaganapan at proyekto ng administrasyong Marcos, kagaya ng: 

– Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.