CAMARINES SUR, Philippines – Nitong Miyerkules, Nobyembre 15, dalawang araw mula nang makapagpiyansa at makalabas ng piitan, umuwi si dating senador Leila de Lima dito sa Iriga, sa tahanan ng kanyang pamilya.
Mainit siyang sinalubong ng kanyang mga kamag-anak, kaibigan, at mga kapitbahay. Pero ang pinaka-emosyonal na sandali ay ang muling pagtatagpo ni De Lima at ng kanyang 91-taong-gulang na ina na si Norma.
Tunghayan ang homecoming ni De Lima sa video na ito. – Rappler.com
Reporter: Lian Buan
Producer & video editor: JC Gotinga
Supervising producer: Beth Frondoso