2022 Philippine Elections

[VIDEO EDITORIAL] Substitution in aid of gangster politics

Rappler.com
[VIDEO EDITORIAL] Substitution in aid of gangster politics
Ang nakikita natin ay ang pagmamaniobra at pagdadrama ng dalawang pinakabulok na political dynasties sa ating bansa. At lahat ng ito'y upang protektahan at ipagtanggol ang kanilang kapangyarihan

Nawindang ka ba sa naging “twist” ng mga pangyayari sa pulitika? 

Ngayon lang natin nakita ang ganitong klaseng pambababoy ng proseso ng eleksiyon. 

Ang substitution clause ay nasa batas ng Comelec para hindi endgame kaagad ang isang partidong namatayan o nagkaroon ng nadiskwalipikang kandidato.

Pero ngayon, sinasamantala ito sa puntong, ito na ang main event at undercard na lang ang COC filing. 

Mag-step back tayo at pagmasdan ang political landscape. 

Ang nakikita natin ay ang pagmamaniobra at pagdadrama ng dalawang pinakabulok na political dynasties sa ating bansa. At lahat ng ito’y upang protektahan at ipagtanggol ang kanilang kapangyarihan.

Sa gitna na substitution, agawan-base, at patintero, pinakamalaking issue rito ang niyuyurakang integridad ng eleksiyon. Pinakamalaking issue ang pagdausdos natin sa gangster politics at pag-to-tolerate natin dito.

Hindi pa huli ang lahat. Bawiin natin ang entablado. Ibalik natin ang integridad sa proseso. We Decide: Atin ang Pilipinas. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Substitution in aid of gangster politics

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!